Wednesday, December 2, 2009

Umurong si David laban kay Gollum, este Gloria


Isa ako sa mga naniwala (naloko?) ni Prof. Randy David nang tumayo siya't nagsabing kakalabanin niya si Gng. Gloria Macapagal-Arroyo sakaling tumakbo itong Congresswoman sa second district ng Pampanga. Kilala si David bilang isang aktibistang propesor at lider ng mass movements. Sa tono at asta ni David, mukhang seryoso itong kakalaban kay Arroyo sa sandaling magsampa ito ng CoC.

Nagsampa ng CoC si Arroyo. Atras naman si Randy David. Bastos, ni hindi nagbigay ng dahilan kung bakit tumakbong bahag ang buntot.

Ni hindi man lang nagbigay ng dahilan kung ano ang naging dahilan bakit bumigay at dali-daling sumakay ng kanyang motorsiklo't nagtago.

Noon, nag-asta pang motorcycle rider for change. Yun pala motorcycle rider for loose change.

Masamang sabihin dahil kaibigan ko ang kanyang anak, pero, nagkaroon kaya ng pag-uusap sa pagitan ni David at Gloria? Batid nating magkaibigan ang dalawang pamilya bago magkasira.

Magkano kaya...o ano kayang posisyon ang kapalit?

Kumbaga mas may bayag ang isang Electronics Engineer, isang Felimon Serrano kumbaga sa umastang champion ng masang si Randy David.

Kaduda-duda ang kanyang pag-atras. Hindi aniya siya sanay sa pulitika samantalang sa kabila ng kanyang pagiging isang propesor sa sociology, panay panay ang pamumulitika ni David.

Nang bata pa si David, tumakbong student council chairman yan sa ilalim ng social democrats, isang grupong alang direksyon kundi ang akademya. Talo sa mga ND (National Democrats).

Kilala si David noon sa U.P., hindi bilang Marxista kundi isang dilawang Sosyalistang walang bayag.

Sa mga nakaraang EDSA (uno at dos), pumusisyon itong si David at para sa ano? Para ba ang kanyang asawa ay makakuha ng pwesto sa gobyerno? Gayun nga siguro.

Wala talagang aasahan sa mga taga-Lubao. Manggagamit.

Sa laban kay Gollum, walang ibang dapat asahan kundi ang lakas ng Sambayanang Pilipinong sawa na sa kalokohan at kagahaman. Gyera ang kapalit sa sanlaksang panggagantyo ng duwendeng taga-Lubao.