Monday, January 16, 2012

Kulong sina Corona, Arroyo at Aquino

Sa toto lang mga kabayani, ang paglilitis kay Chief Justice Renato Corona ay bahagi lamang ng sarsuwelang labanan sa pagitan ng mga naghaharing-uri. Walang mahihitang buti dito ang mga mamamayan. Isa lamang itong hilahang lubid ng mga naghaharing uri: sa isang banda, ang mga nagnanais ipakitang sila'y repormado na at hindi nagnanakaw ng malaki sa taumbayan at yaon namang sagad-sagaran sa buto ang pagnanakaw. Kung susumahin, hilahang magnanakaw din ito. Ika nga sa kanto, galit ang magnanakaw sa kapwa magnanakaw. Inggit lang yaong mga hindi nakabili ng kwarentang  condo at lupa ala Corona. Sa kalaunan, baka naman sa pagdating ng panahon, yaong mga nagmamabuti ay may lamat din.


Katawa-tawa namang nagpapagamit ang Simbahan sa pagpapabango ni Corona. Mayroon pang photo release na nagpapakitang naglalay hands itong si dating archbishop Oscar Cruz na para bagang kapangyarihan niyang maglinis ng demonyo. 


Desperado, ika nga itong kampo ni Corona na maka base one sa labanan kung sino ang mas may mataas na moralidad. Habang ile lay hands ni Cruz si Corona, hayun, sandamukal na ebidensya pala ang lumalabas na bumili ng bumili ng lupa't mamahaling condo ang ni-lelay hands. Ibig saibihin ba nito, handang ipa sequester ni Corona ang mga iligal nyang pagmamay-ari para patunayan lamang na siya'y "naglinis konsensya na?"


Sa totoo lang, mas nakapangsisirang dangal ang araw-araw na misang isinasagawa sa Korte Suprema. Para bagang, inamin na ng laharan ng Korte Suprema na ito'y isang organong puno ng demonyo na kailangan ng ekshortismo. 


Mukhang hindi tatalab ang ekshortismo dahil mismong ang nagbabasbas, may alsa demonyo. Ilan bang bishops ang may iligal ding mga pagmamay-ari mula sa kaban ng mga relihigioso? Mukhang ito'y pagbabasbas ng kapwa demonyo.


Kataka-taka ding yaong bumatikos sa korte suprema noong panahon ni Gloria ay yaon din namang nasasa likod ng diumano'y mass support para sa Chief Justice.


Ang S4S ay isang grupong may maitim na agenda. Para silang mga tagahanap ng butas, na pupuwdeng lusutan, kahit hindi pupuwde. 


Taktikal ika nga ang samahan, pero laglagang tiyak ang kasasapitan.


Habang inggitan at tanungan ang mga magnanakaw na naghaharing uri, hayan, si Juan, salat pa rin sa pera at nasasa gitna ng umaasim na kahirapan.


MIlyon ang walang trabaho. Patuloy ang kontrakwalisasyon sa mga mayroon. Sweldo'y wala ring bisa sa mataas na presyo ng mga bilihin. Tuloy ligaya pa rin ang mga dambuhalang oil companies sa kanilang pagtatataas ng gasolina at diesel. Namamayani pa rin ang korapsyon at kawalang pag-asa.


Nararapat sigurong ang panawagan ay iisa---ang pagpapabagsak sa mga elitistang ganid sa yaman at kapangyarihan!


Sa simula't sapul pa lamang, walang buting nagawa itong uring ito sa lipunang Pinoy.


Para silang mga parasitong sumisipsip sa pinaghirapan nating mga mamamayan. Kailangan na sigurdon tigpasin ang mga ulo ng mga ito at itaguyod ang tunay na gobyernong pambayan.