Thursday, August 2, 2012

Isang tula para kay Anthony Barriga

Nakita kitang lumaban at ako'y napanganga
Sobra ang lakas mo bata!
Sa bawat suntok mo at sangga,
happing hapi ako't ika'y kasangga.


Halos kasing bilis ka ng kidlat
Lakas ng straight jab mo at nakakagulat
sa taas mong five feet
halos di kayo magsipang abot ng Italyanong
boksingero, pero
panay-panay pa rin ang sugod mo.


sa bawat suntok na pinapakawala
sa bawat jab sa sikmura't mukha
para kong naiiimagine
na ako ang sumusuntok
sa mukha
ng mga butangero't magnanakaw sa
pamahalaan.


Laban, hala sige, laban Barriga!
Tunay ang laban mo para sa Bayan!
Hindii tulad ng idolo mong si Pacman
para daw sa bansa ang laban
eh, sa buwis nga lang, hirap pang
magbayad!


Patulungin mo, hane, at gustong gusto kitang lumaban
dala-dala mo ang frustration ng bayan
sa mataas na bilihin, tubig at kuryente
sa walang ginagawang ahente
ng mga panginoong maylupa at
kapitalistang butete
nakangise lang
samantalang bayan ay nagdurusa
sa kawalang paki ng dilawang pasista!


Barriga, ikaw ang idolo ng bayan!
Nawa'y palakasin ka pa ng Maykapal!
Ipapanalangin ka ng Sambayanan
Upang maging tsampyon sa boksingan.