Wednesday, April 10, 2013

Tunay na dahilan bakit takaw na takaw sina Erap at

Marami ang nagtatanong---ano ba meron sa Maynila at takam na takam ang isang dating Pangulo at isang matandang pulitiko sa posisyon na mahalal bilang Mayor duon?

Malakas ang makinaryang pinagagalaw nina Lim at Estrada para lamang makaungos sa sarbey bilang pinaka numero unong kandidato pagka mayor ng Maynila. Sabi ni Erap, kumakandito siya bilang tanda ng kanyang pasasalamat sa mga taga-Tondo na hindi umiwan sa kanya sa ere pagkatapos ng EDSA dos. Samantalang, legasiya naman ang dahilan ni Lim bakit gusto niang manatili sa pwesto.

Star-studded ika nga ang lineup ng dalawa. Parehong artista ang bise at iba-ibang luma at bagong pulitiko ang inihahaing putahe sa madla. Pukpukan ang labanan dahil sa isinasagawang sarbey, gitgitan sa unahang pwesto ang dalawa.

Ano ba talaga ang pinag-aawayan ng dalawa.

Isa lamang---ang perang maaaring pamahalaan bilang alkalde ng Maynila. Saan galing ang pera? Sa taunang badget na nakalaan na sa Maynila na umaabot ng bilyong piso at sa mga ipagpapatuloy na proyektong imprastraktura upang paunlarin at pagandahin ang Maynila.

Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa---nais ni Lim at ni Estrada na siya ang mamahala sa sandaling ituloy ng pambansang pamahalaan, lalo na ng Pagcor, ang planong Manila Entertainment City, isang ambisyosong proyekto na balak gawing entertainment capital ng bansa ang Maynila.

Sa Manila City, ika nga, lalo na sa kahabaan ng Roxas boulevard, maaaaring itayo ang mga dambuhalang buiildings at kung ano ano pa. Sa malapit sa Chinatown at Tondo, mayroon ding bilyong pisong ilalaan ng mga kawatan upang paunlarin ang mga daungan sa Maynila.

Matindi ang usap-usapa na mga galamay at matataik NA KAIBIGAN lamang nina Lim at Erap ang makikinabang alinman sa kanila ang makaupo sa pwesto.

Mayroon kayang mababago sa kalagayan ng mga Manileno pagkatapos ng eleksyon?