Tuesday, July 15, 2014

Ang Palusot ni Pnoy hinggil sa DAP palyado

Kahanga-hanga si Pangulong Aquino. Tila yata kumbinsido ang pangulo na ang ginawa nilang diversion of funds ay isang legal na paraan upang sagutin ang ilang suliranin sa pondo ng ilang programa de gobyerno. Handa pa si Pnoy na makipag-away na muli sa Korte Suprema para lamang maipaglaban ang kanilang tingin hinggil sa kanilang ginawa. 

Muling inihirit ni Pnoy ang section 39 ng Executive Order no. 292 na nagsasabi at ating i-quote dito na:

SECTION 39. Authority to Use Savings in Appropriations to Cover Deficits.—Except as otherwise provided in the General Appropriations Act, any savings in the regular appropriations authorized in the General Appropriations Act for programs and projects of any department, office or agency, may, with the approval of the President, be used to cover a deficit in any other item of the regular appropriations: Provided, that the creation of new positions or increase of salaries shall not be allowed to be funded from budgetary savings except when specifically authorized by law: Provided, further, that whenever authorized positions are transferred from one program or project to another within the same department, office or agency, the corresponding amounts appropriated for personal services are also deemed transferred, without, however increasing the total outlay for personal services of the department, office or agency concerned.
Pansinin ang probisyong ito...
"...any savings in the regular appropriations authorized in the General Appropriations Act for programs and projects of any department...may, with the approval of the President, be used to cover a deficit in any other item of the regular appropriations.."
Ang ibig sabihin lamang nito ay maaaring gamitin ng Pangulo ang "savings" o ipon mula sa regular appropriations mula sa anumang departamento at gamitin ito upang ipantakip sa "deficit" o pagkukulang sa ano? sa ibang item sa regular appropriations.
Malinaw sa batas na maaaring gamitin lamang ang ipon mula sa ibang departamento panakip sa pagkukulang sa pondo ng ibang programang nakasaad na rin sa GAA.
Hindi maaaring gamitin ang "ipon" o "savings" sa anumang walang appropriation.
Halimbawa, may ipon ang DILG ng isang bilyong piso. Maaaring gamitin ito ng Pangulo sa pantustos halimbawa ng kulang sa health program ng DOH kung ang programang ito ay nakasaad na rin sa GAA o General Appropriations Act. 
Iba ang nangyari sa DAP.
Ayon na rin sa mga nakatanggap, ipinantakip ang mga ipon sa ibang programang hindi nakasaad sa GAA. Sa totoo, ipinapasaad nga ng Senate president Franklin Drilon sa mga senador na nabigyan ng DAP ang mga programang nais nilang pondohan. Ibig sabihin nito, wala sa GAA ang mga programang napondohan ng DAP. 
Kung walang alokasyon mula sa isang batas, at ito ay GAA, hindi ito maaaring mapondohan mula sa ipon ng pamahalaan o implementing agencies. 
Kung nai-divert o naibigay sa ibang paraan ang mga pondo, mayroong malaking pagkakamali at paglabag sa mga probisyon ng plunder o pandarambong ang nagkamaling opisyales. 
Kaya naman, maski ang alibi o palusot ni Pnoy, palyado.