Monday, June 15, 2015

JaY--Dilawang mamamahayag at dating tindero ng suka--malapit nang ma-bilibid

This is a true story.

Sino itong pekeng journalist na sabi eh extremely Jolly pero puno ngayon ng worry? Eh panong hindi siya magwoworry, malapit na siyang magsuot ng orange jersey, yun bang ginawang famous ni Don Ayson nang nabubuhay pa?

Panong hindi kakabahan, samut-saring kaso ang hinaharap nitong si JaY—merong smuggling, libel, estafa, swindling pati na bouncing check.  Malakas ang ugong na hahabulin yata ni Kim itong si JaY sa hindi maipaliwanag niyang yaman. Lugi sa negosyo itong si JaY na dating tagatinda lang ng suka sa tabi-tabi pero milyones lagi ang dinadala sa States.

Kaya naman pala amoy pawis lagi itong si JaY dahil tindero dati ng suka. Hindi lang siguro masabi ng mga amuyong at itong apat na kabit nitong si JaY ang masangsang niyang amoy dahil, alam mo na, baka masaling ang kamachuhan ng matanda.

Kabado itong si Jay kasi malapit na siyang humimas ng malamig na rehas na bakal dahil bistado na ang kanyang pananamantala sa Bureau of Customs. Noon pa mang 1990’s, putok na ang pangalan niya dahil confidante siya ng mga bigtime smugglers tulad nina Lucio Co, Jenny Chua at Lina Flores. Kupo diumano nitong si Jay ang iligal na pagpapasok ng mga imported goods at mga kontrabando tulad ng regulated drugs, highly taxable computer at electronics peripherals pati na mga prutas, gatas, maging gulay pinapatulan nitong si Jay.

Matagal na dapat itong ikinulong pero dahil sa nagtatago bilang isang “journalist”, hindi magawang tirahin ng mga awtoridad. Sa totoo, dilawang mamamahayag itong si Jay. Front lang niya ang pamamahayag. Sa totoo, hindi na kumikita ang mga pahayagan niya. Pano ba naman, halatang ginagamit lang niya para humuthot ng pera sa mga businessmen.

Sangkot din sa iligal na gawain sa Bureau of Immigration itong si JaY pero dahil sa repormang ipinatupad ni BI Chief Siegfred Mison, nawalang parang bula ang kitang milyones nitong si Jay sa pagpapalusot ng mga talamak na kriminal sa ating bansa. Kamakailan nga lamang eh,  binalak niyang ipadrino itong bistadong gambling lord na naglagay ba naman ng isang daang milyong piso sa mga katotoo ni Jay na korup sa bureau. Ang siste, delikado ngayon ang lagay nitong si Jay dahil kung mapatapon itong si gambling lord pabalik ng Tsina, buwan na lang ang bibilangin at baka hindi sa kulungan kundi sa libingan ang maging kasapitan nitong si Jay. Grabeng gumalaw ang Chinese mafia, mas masahol pa kesa mafia ng mga Koreano at Indiano. Palalampasin ba ng mga ito kung ma execute sa China ang kanilang boss? Sabi nga ng mga Tsino, noo mo lang ang walang lamat Jay pag nagkataon. Malinaw kasing nagka onsehan sa deal na ito.

Kaya sa galit nitong si JaY, kung ano-anong imbento ang ipinalalabas nito sa kanyang columns. Galit ke Commissioner at nandaramay pa ng iba. Pano, kabado. Kaya hayun, nilalayuan ngayon maski ng malalapit na kaibigan. Eh kung nagawa nga niyang ipagkanugo ang kanyang dating matalik na kaibigan, pano na yung kanya lang binabayaran para magkalat ng maling akala?


Sino itong si JaY?