Wednesday, June 3, 2015

Pati ba naman Bureau of Immigration, idinawit ng LP sa electoral fund-raising??

Sa mga nangyayari dyan sa Bureau of Immigration, kailangang busisiing mabuti at imbestigahan na ng Malakanyang ang ginagawang milagro nitong si Associate Commissioner Attorney Gilberto Repizo Jr.

Aba’y malakas na malakas ang ugong na kumita raw diumano itong si Repizo nang mag-abogado ito para mapalaya ang isang talamak na Chinese gambling lord na ang  pangalan ay Wang Bo.

Kahapon nga, umamin na ang isang kasapakat diumano nitong si Repizo, si Associate Commissioner Abdullah Mangontara.

Ayon kay Mangontara, nagkasarahan daw itong grupo nina Repizo at mga kinatawan ni Wang Bo sa isang hotel sa China kung saan duon nagkabayaran diumano ng mahigit 400 million pesos…

Kasama sa grupo ni Repizo si Bureau of Immigration legal services chief Atty. Cris Villalobos at ilang iba pang opisyales ng bureau…

Mukha yatang fund raising mode itong si Repizo dahil malaki ang pagkatalo nito noong nakaraang eleksyon noong 2013 bilang alkalde ng Calapan Mindoro. At sang-ayon sa sources sa Immigration, ilang buwan nang butas ang bulsa nitong si Repizo na mukhang nakakalimutang associate commissioner na siya, at hindi abogado.

Nakakita ng oportunidad itong si Repizo sa kaso ni Wang Bo. Itong si Wang Bo, ay big-time gambling lord at money launderer sa China. Ayon sa Chinese consul na si Fu Yunbei, maraming nabiktima itong si Wang at umaabot sa 100 million dollars ang nakulimbat nito sa Heilongjiang province.

Kaya nung makansela ang pasaporte nitong si Wang noong Enero 21, agad itong lumipad patungong Malaysia at nakarating sa Pilipinas noong Pebrero para takasan ang mga pulis ng China.

Pero, hindi nakalusot itong si Wang Bo. Hinuli siya ng immigration authorities dahil nalamang paso ang pasaporte nito at wanted sa China dahil sa illegal gambling at casino business.

Nang simulan ang deportation proceedings laban kay Wang Bo, nagpadala ng liham itong embahada ng Tsina.

Aprubado na noon pang Marso a-singko ang deportation order laban kay Bo Wang, 31, isang Chinese citizen matapos itong pumasok sa bansa mula sa Malaysia noong nakaraang Febrero 9. Ayon sa ulat, wanted diumano si Wang ng China’s police authority matapos itong masangkot sa isang US$100 million illegal gambling racket sa China. Kanselado rin ang pasaporteng dala-dala ni Wang nang humarap sa immigration counter.

Sa liham kalatas ni Consul at Police Attache Fu Yunfei ng Embahada ng Tsina sa Pilipinas nitong Pebrero 10, sinasabing wanted sa batas itong si Bo Wang dahil sa illegal gambling at kanselado aniya ang pasaporte nito.  Inimbestigahan si Bo ng Jiunsan Nongken Police Authority ng China dahil sa pagiging gambling lord nito. Kinansela na rin ng Chinese government ang pasaporte nito.

Kaya naman noong Marso 5, 2015, pinirmahan nina BI Commissioner Siegfred Mison, Abdullah Mangontara at Gilberto Repizo ang isang order para maipadeport ang nasabing suspek pabalik ng China upang harapin ang korte duon.

Umapela si Wang sa Board of Commissioners noong Abril 21 at dininig ang petisyon noong Abril 26. Batay sa petisyon, pinabulaanan ni Wang ang mga akusasyon laban sa kanya at nagpakita pa umano ito ng isang aprubadong CEZA visa na nagsasabing siya ay lehitimong makakapasok sa bansa.

Ngunit base sa intelligence report ng bureau, sangkot si Wang sa iligal na operasyon ng Skybet, isang gambling company na nakabase sa Maynila. Nagooperate diumano ng isang online casino itong si Wang at nakapanlansi na diumano ng mga Tsino nang halagang umabot na sa $100 million.

Nitong Mayo a-22, personal na nagtungo si Chinese consul at police attache Fu Yunfei sa Bureau of Immigration upang ipakita ang case file laban kay Wang. Pinatunayan din nitong kanselado ang pasaporte ni Wang at kailangan nitong mai-deport agad sa China.

Sa isang board meeting, pinawalang bisa nina Repizo at Mangontara ang ulat mula sa embahada ng Tsina sa isang resolusyong si Repizo mismo ang sumulat. Sa resolusyong may petsang Mayo 26, pinawalang halaga nina Repizo at Mangontara ang 5 March 2015 deportation order at pinabalik ang kanyang kanseladong pasaporte.

Tanging si BI Commissioner Siegfred Mison ang hindi pumirma sa kontrobersyal na resolusyong iniakda ni Repizo.

Mabuti na lamang at mabilis umaksyon itong sina Immigration Commissioner Fred Mison. Nang malaman ng embahada ng tsina ang nangyari, agad nitong ipinadala ang kanilang police attache na si Fu Yunfei ulit.

Pinatotohanan ni Fun Yunfei ang pagiging wanted ni Wang Bo sa China at ang pagkakakansela ng pasaporte nito. Ayon sa batas ng Pilipinas, lalo na sa Administrative Order on foreign fugitives, summary deportation ang mangyayari sa mga dayuhang walang pasaporte at wanted sa batas.

Kundi maagap itong si Commissioner Mison, malamang sa hindi, me talamak na kriminal na namang dayuhan dito sa ating bansa.

Ang tanong---ano kayang rason bakit nagbago ng isip itong si Gilberto Repizo sa kasong ito ni Wang Bo? One hundred million reasons siguro ang sumagi sa kanyang mga kamay, este, utak, kaya nasabi niyang huwag bigyang halaga ang mismong statement ng Chinese embassy laban ke Wang Bo.

One hundred million reasons siguro dahil nga itong si Repizo eh, kulang sa boto noong tumakbo itong alkalde sa Calapan Mindoro. Talo si Repizo na dati noo’y isang konsehal lang.

Hindi na rin naman kataka-takang talunan itong si Repizo dahil sa ka-haba-haba ng legal carreer nyan eh, walang naipanalo. Noong nag-abogado, pinaaasa lang ang businessman na ang kanyang mga kliyenteng sina delfin lee na kulong dahil nasangkot sa bilyon-bilyong pisong pagibig fund scam…

Ito namang si mindoro governor antonio boy umali junior, pinatawan ng parusa ng sandiganbayan dahil sa pagpapautang ng mahigit tatlong milyong piso sa isang kaibigan at yung utang eh pinababayaran sa mga mamamayan ng oriental mindoro. Aba’y sobrang kakapalan naman yan!

Kung susumahin, sino ang mas malaki ang interes na magkamal ng apat na raang milyong piso mula sa bureau of immigration?

Siguro akala ng mga tulad ni repizo eh kaya nilang gawing cash cow itong bureau of immigration.

Malaki na ang ipinagbago ng Bureau of Immigration simula't sapul na umupo sa pwesto itong si Atty. Mison. Nawala halos ang katiwalian. Nawala ang mga fixers. Naging disiplinado at tumuwid ang daan ng mga taga Immigration.

Nang umupo nitong Nobyembre itong si Repizo, aba'y pilit ibinabalik ang mga natanggal at mga nalipat nang empleyadong mayroong nagawang katiwalian.

Nakipagkita at nakipagkuntyabahan sa isang abogadong sangkot sa lagayan sa Cebu. At pilit na gumagawa ng paraan para harangan ang mga pagbabagong ipinapatupad ni BI Chief Mison.

Walang puwang sa Tuwid na Daan ang mga tulad ni Repizo Jr. na walang nasasa isipan kundi ang pansariling kapakanan.

May kalalagyan ang mga tiwali, at yan ay sa basura ng kasaysayan!!

Dapat imbestigahan at tsugiin ni Pangulong Aquino itong mga tulad ni repizo na dumudungis sa magandang pangalan ng bureau NGAYON NA!