Wednesday, June 3, 2015

Sa kabila ng UNOS na DULOT NG MAKABAGONG MGA ANAY NA PUMASOK, MANANATILING TUWID ANG DAAN NG MGA KAWANI NG BUREAU OF IMMIGRATION

Mga anay at lintang pilit kinakain ang natitirang ahensyang tunay na sumusunod sa tuwid na daan, may paglalagyan kayo.

Krusada na ng mga tunay na Patriotikong elemento ng Bureau of Immigration ang pagbutihin ang kanilang mga trabaho at magsikhay upang mas tumindi pa ang kumpiyansa ng mga mamamayan maging mga dayuhan sa Bureau.

Sa totoo, ang mga Pilipinong tumutulong upang mapabuti ang Bureau of Immigration ay siyang mga Pilipinong naniwalang may magagawa tayo upang magkaroon ng pagbabago, maski man lamang sa isang ahensyang ito na dati rati'y sakit ng ulo at puno ng katiwalian at kadumihan.

Naniwala sa slogan ni Pangulong Pnoy na tuwid na daan, sineryoso at isinakripisyo maski personal na kapakanan at kaunting yaman, para lamang mapatunayan sa sarili at sa bayan, na mayroon pang pag-asa, mayroon pang magagawa upang mabago ang kalakarang sumira na sa lipunang Pilipino ng matagal nang panahon.

Unti-unti, isa-isa, at tulong tulong na nagkaisa ang mga Pilipinong ito upang mapabuti at tumuwid ang daan ng mga tiwali sa Bureau of Immigration. Unang humakbang para i-train ang mga empleyado. Binago ang kanilang mga kaisipan na ang pwesto sa gobyerno ay isang serbisyo publiko, hindi serbisyong pansarili.

binago ang hiring system sa bureau. mula sa turo-turo system (meaning political appointments), gnawing merit system. Hindi na madaling makapasok sa bureau. kung sino ka man, basta me talino ka, handang magsakripisyo para sa bayan at handing ilaan ang buong sarili para paglingkuran ang nakararami.

Para matuldukan ang katiwalian, rotation ng mga empleyado ang ginawa. Ito'y para maalis ang familiarization sa puwesto. Mahirap ngunit tiniis ng mga taga Bureau sa paniniwalang ito'y isa lamang sa yugto ng kanilang pakikibaka upang mabago ang kalakaran sa Bureau.

Ngayon naman, heto't pumutok ang isang isyung tunay na kasuklam-suklam!

Mga bagong anay na walang ginawa kundi ang isulong ang pansariling interes at kita!

Aba'y isipin mong pumirma sa isang resolusyon upang manatili sa bansa ang isang talamak na gambling lord kaysa itapon sa kanyang bansang sinilangan at duon pagdusahan ang kanyang mga ginawang kasalanan laban sa kanyang mga kadugo at bayan.

ang kapalit daw ay 100 MILYONG PISO.

100 milyong piso??? ito ba ang kapalit ng ISANG TSINONG KRIMINAL na tunay na MAGHAHASIK DITO NG SANLAKSANG KALOKOHAN AT KASAKITAN?

KITLIN ANG MGA BUHAY NG TIWALI!! WALANG PUWANG SA LIPUNANG PILIPINO ANG MGA ANAY NA ITO NA SUMISIRA SA ATING LIPUNAN AT MORALIDAD!!

KILALA NINYO ANG INYONG MGA SARILI, KAYONG SINA GILBERT REPIZO JUNIOR AT ABDULLAH MANGONTARA SAMPU NG IBA PA!!

MGA KAPAL ANG MUKHA!!! IPAGPAPALIT ANG KAPAKANAN NG KANILANG KABABAYAN MAGKAROON LANG NG PERSONAL NA GANANSYA.

AT ISIPIN PANG ABOGADO ANG MGA ITO. DAPAT SANA KAYO ANG UNANG UNANG MAGIISIP NA MAGING RESPONSABLE SA KILOS AT GAWA AT ITULOY ANG REPORMA. PERO KAYO PA RIN ANG MGA PRUMONTANG MGA KAWATAN PARA LAANG MAILIGTAS SA KAMATAYAN ITONG KRIMINAL NA WANG BO!!

MAGING ARAL SANA ITO SA MGA NAGBABALAK PANG MANGIKIL NG PERA SA MGA DAYUHAN--NAGHIHINTAY AT MAGHIHINTAY KAMI NG DESISYON NG KALIHIM NG KATARUNGAN AT SANA'Y MAKITA NAMING MAALIS SA PWESTO ANG MGA KAWATANG ITO!!