Tuesday, June 30, 2015

Sang shot ke Dennis Sabangan!

Ilang coverages ang nasamahan
Ilang giyera rin ang natunghayan
kasama pa ang isang Bullet ang ngalan
pero walang tutulad ke Dennis Sabangan.

Palaging nakangiti, itong akala mo'y
batang teenager,
joke ang katapat pag si Dennis na payat
ang kasama mo sa event
siguradong mauubusan ka ng ulirat.

Laging nakangiti, kahit na pagod na't
walang inumin ni pagkain.
pero, kung kakausapin mo'y
me deep side din pala.
itong joker sa outside
philosopher pala sa inside.

tandang tanda ko isa sa mga napag-usapan
isang dating media dumating na naka Prada
" galing naman yan," sambit ko ke Dennis
habang kumuha siya ng isang damo
sabay subo'ng tulad ng kabayo.

" dont worry, magkakaroon ka rin nyan. ako, malabo
pero okey lang," sabi ng Dennis na ubod ng linis.
sa dinami dami ng photogs sina dong dennis lang
ang walang ka arte arte sa katawan
sasabak kahit saan
maging sa kamatayan.

ngayong nandyan ka na bok
sana'y ituloy mo ang pagshashot bok
kahit na siguro maraming alikabok
maaninag mo pa rin si Boss bok.

don't worry bok
di man tayo natamaan sa gyera
nakaligtas man tayo sa nakaw
ng mga abu sayyaf
nakapag swimming naman tayo
sa Patikul
nakakain ng masarap na yellow fin
mula sa palengke ng jolo
okey na, rest ka na bok.

may coverage ka pa dyan,
Dennis Sabangan.