Sunday, August 30, 2015

ang kaisahan ng INC dulot ng pagibig

Habang sinusulat ko ito ay patuloy na binabayo ng malakas na ulan ang aking sasakyan. Nasa dako ako ng kasaysayan, kung saan saksing buhay ako na minamalas ang isang nakapangyayaring pangyayaring ngayon lamang nasasaksihan sa kasaysayan. At mapalad ako't buhay ako sa makasaysayang pangyayaring ito.

Hindi magkandamayaw ang bilang ng mga taong naririto sa edsa shaw bilang tanda ng kanilang pakikipagkaisa sa pamamahala. Para sa iba, ito ay kamangha manghang makita sapagkat tanda ito ng marubdob na pagmamahal ng mga taong ito sa Dios na siyang nasasa gitna nilang lahat habang patuloy silang sumasaksi sa pagpapakita ng kaisahang magkakapatid.

Sa totoo, nakamit ng Iglesia ang isang bagay na matagal nang minimithi ng lahat ng Pilipino-- ang pagibig at pagkakaisa. Hndi ito kamangha mangha kung paniniwalaan ang nakasaad sa bsnal na aklat-- ang tanda ng mga tunay na mananampalataya ay ang pagibig at ang kolektibong expresyon nito at pagkakaisa sa kaisipan, kilos ar gawa.

Sa 100 taon ng iglesia sa Pilipinas, dumaan ito sa sanlaksang pagsubok. Hindi iilang beses itong binayo ng mga banta laban sa kanyang kilusan. At sa bawat pagbayo ng pagsubok, siya naman nitong pananagumpay, tanda marahil na nasasa katumpakan ang pinanghahawakan nitong paniniwalang pangrelihiyon.

Noon ring nagsisimula pa lamang ito sa pagkakatayo, sinubok na rin itong pahinain ng mga kilusing kumakalaban sa pamunuan ng Sugo. Gayunpaman, hindi naging matagumpay ang mga kilusing ito sapagkat nanatiliing kaisa ng Dios ang Iglesia. Isa yan sa mga hiwagang nagpapatunay ng katumpakan ng hula hinggil sa INC.

Bagyuhin man o tangkaing sibatin ng anumang kapahamakan ngunit mananatiling matatag ang kaanib ng INC dahilan sa ang batayan ng kanyang pagkilos ay pagibig sa Dios.

No comments:

Post a Comment

Thank you very much for reading my blog. You inspired me. But if you intend to put your name "anonymous", better not comment at all. Thanks!