Monday, September 7, 2015

Grace Poe, a trapo---Osmena

Habang tumatagal, nakikita ang tunay na kulay at pagkatao ni Grace Poe. Maging ang dating kasamahan at mentor ni Poe na si Senator Sergio Osmena, napansin na.

Unti-unti na ring lumalabas ang pagka-trapo at kawalang malay sa kilos ng pamamahala sa pamahalaan itong si Poe. Karamihan sa kanyang mga pahayag ay mga motherhood statements, meant to delude us into thinking na makabuluhan at may laman ang kanyang mga sinasabi.

Isipin mo ba naman, sa kasagsagan ng isyu hinggil sa Iglesia Ni Cristo, ano ang naging pahayag ni Poe-Llamanzares---harapin daw ni Justice secretary Leila de Lima ang mga nagrarally na mga INC members at pagbigyan ang mga ito sa kanilang hiling.

Bull. Crap.

Ayokong maging opisyales de gobyerno sa sandaling manalo itong si Poe dahil tiyak, walang kalalagyan ang pamahalaan, at walang wisyo na naman at hindi tiyak kung saan na naman tutungo ang ating kinabukasan.

May bagong umaga daw na parating. Oo, bago nga, pero anong dala-dala kaya para sa atin? Bagong kapahamakan? Bagong pagnanakaw? Bagong grupong magnanakaw? Bagong panlilinlang?

Mayroon ding proposal itong si Poe na magkaroon ng Pangasinan international airport. Wah?

Hindi ba alam ni Poe na mayroon nang airport sa Clark na isang oras lang ang layo mula sa Pangasinan? Hindi ito economically viable dahil gastos lang na walang saysay.

Ang tawag sa ganitong mga salita ay pandering to the audience---sasabihin para lamang sa publisidad at makakuha ng simpatiya ng mga nakikinig.

Trapo nga itong si Poe. Malayong malayo sa kanyang amang si FPJ.

Well, come to think about it, understandable dahil hindi naman talagang anak ni FPJ itong si Grace Poe-Llamanzares.