Thursday, November 5, 2015

Makabayan Bloc is bogus Socialists--instead of being Nationalists, they are Makapilis

I understand now why Maoism will not succeed here in the Philippines---its leaders are phoneys and those who profess obeyance to its precepts are already compromised and they already enjoyed their statuses as pawns of the Oligarchs.

Take for example this Makabayan bloc. They are formally endorsing a pretender Grace Poe-Llamanzares for reportedly adhering to their platform of government. And they have allowed themselves to be prostituted by a false and un-scientific miss-mash of a political party called "Partido Galing at Puso" or loosely transliterated as "Party of the Skilled and with Heart"

Skilled of what? Skilled in kowtowing to China? Skilled in fooling the people and raising their hopes?

Hindi pa ba natuto ang Kaliwa? Kung kailan kailangan nilang maging indyependenteng pwersa para sa pagbabago, hinayaan nilang gamitin nina Chiz Escudero at Grace Poe ang kanilang mga organisasyon upang bigyang laman ang isang hungkag na platapormang puros motherhood statements.

Tanda ito ng pagbagsak ng Re-Affirmist dito sa ating bansa. Patunay din ito na ang mga datihang kasapi ng pangkating ito ay mahilig sa pagsamba sa mga personalidad. Kung dati, ang sentro ng kulto ay si Joma Sison, ngayon naman si Grace Poe. Mukhang nahatak at nasobrahan ng kanonoood ng mga pelikula ni FPJ ang mga miyembro ng Makabayan bloc at itinuturing nilang tama ang kanilang alyansa kina Poe at Escudero.

Ngayon lamang ako nakarinig ng rason na " matagal na naming kakilala at kasama sa Kongreso si Escudero" kaya naman ginawang rason ito sa pakikipag alyansa. Syentipiko ba ito?

Mukhang hindi na kumikilos bilang isang lehitimong Sosyalistang partido ang mga miyembro ng Makabayan bloc. Tunay na nga silang naging Makapili---kanila nang inabandona ang landas ng pakikibaka at ngayon, umaakto na sila batay sa kanilang uring pinanggalingan.

Hindi talaga magtatagumpay ang pakikibaka dito sa Pilipinas hanggat ang mga umaaktong pinuno o lider ng kilusan ay mga burgis at mga pekeng Sosyalista.