Sunday, June 5, 2016

Puta-eh

Putang ina! Kailangan pa bang pumunta sa Davao para makisaya sa pagka panalo ni Mayor Duterte?

Tangina, sila lang ang kumakain ng masarap dun samantalang kami dito sa Maynila kasama ng iba pang mga probinsya, etsa puwera? Tangna. Isipin mo, pakakainin 200,000 katao daw. Whew. Sino na naman kayang businessman ang nag over the bakod at nagbigay ng bilyones?

(Noong abril, aba tignan mo nga naman, maging mga taga Ayala, tumalon ke Duterte at ang reward—isa nilang executive, nakakuha ng posisyon sa Digong Cabinet. Balita ko, si Manny Pangilinan din, tumalon. Puta, lagot kang Dax Lucas ka, ibi Biz Buzz mo yan sa kasagsagan nung eleksyon. Yari ka bro, patayin ang journalism mo! :-)

Tignan mo score ni Mayor sa canvassing—almost 16 million votes, ilan lang ba taga Davao? Kadamu namin didto sa Menila na waray, samahan mo pa ng mga Batangueno, Caviteno, Leyteno, Cebuano, Pangalatok—lahat kami binoto si Mayor, pero, etsapwera na lang ba kami? Kami ang mga nasa laylayan (okey ba VP Leni?), kami ang mga kinawawa at kinakawawa ng mga oligarkiya, pero kami ang walang lechon at pansit at softdrinks man lang? Akala ko ba “One Love, One Nation”? Eh, bakit sa Davao lang?

Sabi ni Bong Co, tigil daw muna presscon, nagkakamali si Mayor eh. Eh putangina naman kasi eh, linawin niya mga pinagsasasabi nia. Wag lang, kill, kill, bumenta na yun. Wag na rin, tangina, tangina, puro korup sila, bumenta na rin yun. Dapat iba naman. Bumenta na yan noong eleksyon. Iba na dapat ngayon.

Daming natuwa, mag memetamorphosis daw siya pagka pangulo na. Well and good. Ang problema ko lang, baka naman Kafka-ian ang gawin niya? (pssst! Google mo kung anong istorya nung libro ni Kafka na “Metamorphosis” kundi mo alam, gago!).

Teka, bakit ba galit na galit tayo nung sipulan ni Mayor si Mariz Umali? Sabi nga ni Mayor, walang masamang sumipol kung walang malisya. Tanong ko lang—ilan kaya ang sumipol na tambay dun sa Davao at sinalvage dahil nilabag ordinansa ni Mayor? At ilan kaya ang ganun din ang alibi pero, hindi napakinggan dahil pinatahimik ng Davao Death squad? (Pasintabi lang sa kaibigan kong si Raffy Tima)

Kumbaga, para ke Mayor, depende kung sino ang sumisipol. Pag siya o kaya siguro, mayaman o pogi, o kaibigan ng pamilya nila ang sumipol sa mga tulad ni Mariz, okey lang dahil, sabi nga ni Mayor, walang malisya yan. Masama na sumipol then sabayan mo ng labas dila o kaya sabihin mo sa babae—sexy ka, pa “ano” naman oh.

Kilala ko si Raffy Tima, asawa ni Mariz—kung dito lang yan sa Maynila nangyari, siguradong isang malakas na suntok ang pinakawalan nyan o kaya bumunot na yan ng baril. Anong akala ni Mayor, siya lang ang nakapatay na? Puta, si Raffy, nakapatay na ng ilang ibon yan.

Sa totoo lang, ilan ba sa atin ang hindi sumisipol pagka dumarating babae? Sa mga kalalakihan siguro si Vice Ganda lang ang hindi, dahil din naman siya mhen---babae siyang mukhang lalaki :-)

Puta, cut the crap! Suportahan na lang natin si Mayor. Walang basagan ng trip. Pero kung kill, kill!

Sinong takot sa kill? Ako hindi.  Bakit sila lang ba ang me baril? Sila lang ba ang nakapatay na? Puta, naranasan na ba nilang makita ang katabi nila na luwa ang bituka at basag ang bungo sa tama ng m-16? Tangina, nakaranas na ba sila na tamaan ng shrapnel ng atis sa tagiliran? At putangina nila, ilang rali ang nasamahan ko na duguan ang ulo ng mga kasama ko dahil pinagpapalo ng truncheon. Ako din napalo na ng truncheon, nabugbog ng pulis at nakulong pansamantala noong kabataan ko.

Ilang drug raids na ang sinamahan ko at kami-kami nina Raffy na muntik na kaming ma pana? Ilang raids na rin kaming magkasama ni Erwin at Jorge Carino noon na naka duck kami dahil palitan ng putok ang mga hinayupak na putanginang mga drug pusher sa mga pulis?

Kaya, huwag mo kaming takutin mayor, dahil matagal na kaming takot. Papatayin mo kamo journalismo? Papatayin mo kamo ang mga journalista, eh, di, sige, try. Naisip ko na ilang araw na na buhayin ang sparrow unit ng mga mamamahayag. Me Tarantula din kami, mayor. Tangina, sige, magsubukan tayo.

Sabi nga noon sa pelikula---akin ang Maynila, iyo ang Davao. Let’s get ready to rumble!!! O, ano, Kiko (Matos) at sino itong artista—o ano, ready na ba kayong magsapakan sa URCC? Namputsya, noong kabataan namin nina alvin aguilar, ilang mukha ang binarag namin sa alabang. But that’s another story...

Tangina world!! Duterte rules!! Isang kamao slap naman dyan....