Saturday, December 31, 2016

Baklang Maton

Fifty na per dolyar.
si Mayor ay bipolar
Fentasyl ang binabanatan
naghihintay ng kamatayan.

tingin sa mga tao'y zombie
gustong magka World War Three
dikit sa Tsino'y ganun na lang
pagka Pilipino'y isantabi.

Walang Vic Sotto sa pasko.
Pinalabas na ang Rogue One sa kanto.
kandarapa ang mga tao sa mall pag sabado
hanggang lunes bakasyon pa rin ako.

araw-araw pa ring may bangkay sa kalye
palakpakan pa rin ang mga pro-Duterte
hanggat ilan sa kanila'y natokbang
kinatok tsaka nag-bang.

psychotic na yata si mayor
aalisin daw siya sa palasyo
plano daw ng mga Amerikano
palitan siya ng babaeng balo.

papalag daw pag tinumba
sisiguraduhing duguan din sila
nakakita na ako ng ganyan noon
ang tawag diya'y baklang maton.

talak ng talak
nagpakita pa ng itak
pero ganun din bumagsak
sa isa lamang tulak.

mayabang kasi
ang taumbaya'y nilansi
pangakong pagbabago'y
wala pa rin
six months daw
solve na mga buto-buto.

tingin ko palabas lang lahat ng ito
inaaliw ang taumbayan sa madugong senario
para hindi makita nakawang umaatikabo
ng mga brad niyang mga bobo.

kung hindi tumalak
hindi sana nabunyag
150 milyones na hatag
request ng isang fag.

marami pang lagayang nagaganap
korapsyon tuloy-tuloy lang sa hinaharap
tinatakot tayong Pilipino
para walang mag-alburoto
sa sandaling full-blast na ang
nakawan ng mga bobo.

abangan lang at may tatayo
sasapakin sa mukha si baklang maton
dudurugin pati ulo ito
at itatapon sa Pasig
kasama ng banig.