Friday, March 10, 2017

Duterte walang taping laban sa mga Tsinong nagsasagawa na ng pag-aaral sa Benham Rise

Laging sinasabi ni Pangulong Digong na mahal niya ang kanyang bansa. Totoo ba ito?

Kung mahal niya ang ating bansa, hindi niya pahihintulutang maging dahilan siya ng pagkakawatak-watak. Nagbigay na ng alarma ang kanyang Defense secretary na mayroong mga barkong Tsino na nagsasagawa ng mga pag-aaral sa Benham Rise pero, ni hindi man lamang tayo nakarinig ng protesta mula sa pangulong aminadong may dugong Tsino.

Ano ang ginagawa ng Department of Foreign Affairs? Bakit hindi man lamang tayo nagproprotesta sa embahador ng Tsino? Pahihintulutan ba nating maging ang mga islang atin na at iginagalang ng buong mundo, ay mapunta muli sa pakikialam ng ibang bansa?

Wala na ba tayong paggalang sa ating mga sarili?

Habang may ganitong seryosong problema, heto naman at fixated ang ating Pangulo sa kanyang anti-drug campaign, na sa totoo lang, isang sistematikong terrorismong pinapahintulutan ng estado.

Kala ko ba matapang itong si Ginoong Duterte? Bakit hindi niya itayo ang dangal ng bansang Pilipinas at magsagawa siya ng protesta sa ginagawa ng mga Tsino sa Benham rise?

Hoy, Digong! Mukhang maniniwala na akong matapang ka lang sa mga maliliit na tao. Talagang small time bully ka lang. Kaya mo lang mga walang kalaban labang mga istambay sa kanto, mga tricycle driver, mga kabataang imbes na tuluyang makawala sa sakal ng droga ay papatayin ninyo na lamang na parang mga kuting?

Sinungaling ka talagang matanda ka. Noong eleksyon, sinabi mo pang sasakay ka ng jetski at pupunta sa Scarborough shoal tangan mo ang bandila ng Pilipinas, yun pala, nang Presidente ka na, bandilang Tsino pala ang dala dala mo.

Baka naman, Tsino ka talaga tulad ng pagiging Amerikano ng kaklase mong si Perfecto Yasay. Perfecto talaga itong si Yasay--perfectong magsinungaling, pero, sorry, hindi lang nakalusot sa mga senador at congressman.

Ilan pa kaya sa mga kabinete ni Digong ang mga sinungaling tulad ng pangulo nila?

Ngayon, shortcut na naman ang iniisip nitong si Digong, para diverted nga naman ang atensyon ng taumbayan mula sa unti-unting pakikialam at pananakop ng mga tsino sa ating mga isla.

Tinatakot tayo nitong pipitsuging dating mayor ng Davao para nga naman walang manlaban sa atin sa sandaling ipa-iral niya ang diktadurya.

Sige lang. Magdeklara ka Digong. Magdeklara ka ng batas militar, at huwag mong pagsisihan. Walang takot naming ipapakita sa yo ang tunay na mga Pilipinong magtatanggol, kahit na kami ay mga amahin ng aming mga tahanan.