Tuesday, September 19, 2017

Nagsisisi na ako

Nagsisisi na po ako Dios kong mahal
kung bakit ako ang nagpahalal
sa taong ito na me animal na asal
na siyang nagtutulak sa bayan
sa katalampalasanan.

O, Dios, patawarin nawa ako
isa ako sa mga naniwala
na malaki ang kanyang magagawa
pagbabago sa aking bayan

Nilansi po niya ako.
pinaniwalang sa lakas ng tao
makakamtan ang pagbabago
bigo at sadyang nasilo
ang taumbayan
sa hungkag na mga pangako.

susugpuin daw ang droga
anim na buwan lamang daw
wala na ang mga halimaw
yun pala, ang pinatay ay
pipitsugin at uhugin sa
lansangan
mga walang kalaban-laban
samantalang ang mga totoong
halimaw
kasapakat pala ng mayabang
na adik na mapaslaw.

lilinisin daw sa katiwalian
ang minanang pamahalaan
yun pala mas malala pa ngayon ang nakawan
pati yung mga dating may katampalasanan
laya na't linis mula sa kulungan.

lalabanan daw ang mga ganid sa kayamanan
pagbabayarin ng kanilang mga utang sa bayan
yun pala maski ang kanyang son-in-law
abogado ng kumpanya ng sigarilyo

tapos na raw ang endo
kaya inilagay si bello
dati daw sa komunismo
Marxistang todo-todo.

yun pala si bello mismo
ang nagtataguyod ng endo
milyon-milyong pilipino
sahod nila't trabaho
nalalagay sa yelo.

Muslim daw siya
pero unang binomba
grand mosque sa lanao
simbolo yan ng Islam
pinulbos ng mangkukulam.

hindi pa nakuntento
nagpaphoto pa ang gago
kumpleto sa kamo
hindi man lang nag-alis
ng bota sa loob ng sambahan
Muslim daw kamo

galit daw sa tsino
magjejet ski sa scarborough
yun pala espiya ng tsina
tagapagtanggol nila
sa pagtatayo ng mga silo.

galit ako sa adik, sabi ni lolo
pero pagpuslit ng shabu na kilo-kilo
hindi umimik ang gago
pano ba naman ang nagpapuslit pala
anak niyang sobrang yabang
akala mo kung sino

heto namang si faeldon
kung makahimod ay todo-todo
kumita lang ng san dang milyon
sabi ni ping at sotto
grabe na ang pagka deboto ke lolo.

O Dios ko, sang taon at kalahati pa lang sa puwesto
ganito na ang paghihirap ng bayan ko
taas lahat ng presyo
tubig, kuryente pati piso
wala nang mabili singkwenta ko.

O Dios ko, inunat mo ang iyong mga kamay
pakawalan ang mga anghel at gumabay
sa aming paggalaw ng sabay-sabay
Kasigan mo po kami ng iyong Espiritu
Gawin po namin ng tama ito
hindi lamang po ito para sa aming sarili
mas po sa mga anak naming may silbi
sa sang lipunang malaya't walang hikbi
walang pagpalikwas, walang alipin.

Mabuhay ang mga anak ng bayan!
Kasigan nawa ng Dios ang inyong lakarin
anuman ang gawin nitong matandang salarin
bulagin ninyo't gawing alipin
upang paglaya ng Bayan
ay siyang matanaw
agad ng mga biktima ng halimaw.










No comments:

Post a Comment

Thank you very much for reading my blog. You inspired me. But if you intend to put your name "anonymous", better not comment at all. Thanks!