Showing posts with label pork barrel fund mess. Show all posts
Showing posts with label pork barrel fund mess. Show all posts

Friday, August 23, 2013

Pork barrel fund issue---karahasan ito, hindi lamang pambababoy sa Sambayanang Pilipino

Maraming tao ang nangangalit nang ipaglandakan ni Janet Lim Napoles ang kanyang mala-demonyong gawain. Nagpapasalamat ako sa Panginoon dahil sa kanya, unti-unting nalalantad ang matagal nang sistematikong pagnanakaw ng mga may kapangyarihan sa ating bansa. Habang sampung milyong Pinoy ang nagtitiis sa ibang bansa, nakikipagsapalaran makapagpadala lamang ng kaunting pera sa kanilang mga pamilya upang maka survive sila sa pang-araw araw nilang pangangailangan, hayun at mayroong mga pulitikong sumasawsaw sa perang hindi kanila.

Ilang mga eksena ang araw araw na sumasagi sa ating mga isipan...ilang libong mga mamamayan ang pawisan at nagtitiis na maglakad ng ilang kilometro, makarating lamang sa kanilang mga lugar ng trabaho. Apatnapung milyong Pinoy ang sumasala sa pagkain araw-araw, habang ang iilan, nagpapakataba at nakabibili ng mga magagarang kotse, bahay at kung ano-ano pa, gamit ang perang inilalaan ng apatnapung milyong Pinoy sa kaban ng bayan.

Isang milyong Pinoy ang nalubog sa baha, mga anak hindi makapasok sa eskwelahan bunga ng mga baradong drainage na hindi nalilinis dahil ang perang inilaan para dito'y nanakaw na ng mga ganid at parasitong Pinoy.

Ito'y mga katotohanang sing tingkad ng araw nating nakikita ngunit sa kabila ng mga pangako ng ating mga lider pulitiko na tutuwid na ang daan at nasasapol na ang mga kawatan at mga tiwali, ni isang malaking isda ay walang naitatapon sa kulungan.

Tunay na kaawa-awa ang ating Inang Bayan. At sa mga panahong maging ang mga sundalong nais ng pagbabago ay ngayo'y kasapakat na ng mga tiwali sa gobyerno, walang ibang puwersa kundi sa mga mamamayan na lamang ang natitirang solusyon sa isyung ito.

Kung pambababoy ang nadarama ng taumbayan, para sa akin, isa itong porma ng karahasan. Hindi lamang pambababoy ang nagaganap sa ating lipunan kundi isa itong direktang karahasang ginagawa ng ating mga lider sa lipunan.

Karahasang nagbubunga ng mas malalaking karahasan sa milyong Pilipino. Sa bawat pisong nananakaw sa kaban ng bayan, ilang milyong Pinoy ang nakakaranas ng karahasan.

Sa bawat pagpapasasa sa kaligayahan ng iilan, milyong Pinoy ang siyang nagdurusa sa kalaunan. Karahasang nagbubunga ng kagutuman. Karahasang nagiging dahilan ng kawalan ng oportunidad ng ilang milyong kabataang Pinoy. Karahasang umiikot-ikot sa ating lipunan.

Karahasan itong walang sapat na solusyon sapagkat kung wala ang karahasang ito, walang yamang nanakawin sa kaban ng bayan.

Kundi natin puputulin ang karahasang ito, mananatili itong isang dambuhalang panaksak na nakaumang sa ating mga ulo, at sa kinabukasan ng ating mga anak at apo.

Itinayo ng mga mamamayan ang pamahalaan upang maging sandigan ng katarungan.

Mamamayan din ang magiging instrumento upang hugutin sa lupa ang dambuhalang parasitong sistemang ito at palitan ng isang pamahalaang mas maayos ang pamamalakad at paghawak sa kaban ng bayan.

Nasasa mamamayan ang kasagutan. Nasasa Sambayanan ang tanging pagkilos upang tuwirin ang kamalian ng kasaysayan. 

Hindi dapat matapos sa panawagan lamang na buwagin ang pork barrel system sapagkat tiyak kong hahanap pa rin ng dahilan ang mga kawatan upang makapagnakaw sa kaban ng bayan.

Kailangang maparusahan ang mga nagkasala, lagutin ang kanilang mga kapangyarihan at isa-isang alisin sa kanila ang kanilang mga yaman, mula sa mga nagkasala hanggang sa kanilang mga pamilya na siyang nakinabang sa mga salaping hindi kanila.

Kung kayang lunukin ng isang pulitiko ang isang pagkaing alam niyang galing sa pera ng iba, kayang kaya rin dapat ng mga mamamayan na kitlin ang buhay ng pulitikong ito upang hindi na pamarisan..

Anong magagawa ng pagiyak at pagmumura kundi ito magiging daan ng isang konkretong pagbabago? 

Monday, August 5, 2013

The Village of the Damned---rich yet condemned

I remember how the board of that ultra exclusive subdivision rejected the membership application of superstar boxer Manny Pacquiao. Pacquiao is a certified billionaire. The former pan de sal baker turned the world's best pound for pound boxer made his billions knocking out brash and sassy men in baggy shorts. It seems too easy, but ask the man, and his handlers, and they'll tell you that it is not as easy as it looks. Manny Pacquiao gave his all, even sacrificed his own life, just to earn those billions.

Pacquiao deserves being one of the country's most successful and when he bought that palatial home in our country's version of Beverly Hills 9210, he most certainly deserves membership. Unfortunately, our rich men think and still behave like their Spanish and American ancestors. Our rich men are still snobs.

I don't know how they welcomed Janet Lim-Napoles, the alleged businesswoman being linked to the 10 billion high profile thievery at the House. Was she made a member of that ritzy, exclusive enclave of the rich? Probably. Napoles probably thought that she already had what it takes to become a member. She's a billionaire. She has a successful business. She has US properties, tons of cash in her personal vault and lots more deposited in several banks, not to mention, probably even stocks.

Most certainly, Napoles was accepted. And I think this is not surprising.

As they say, like minds attract. Who lives in those places except those who can stomach getting extra tons of cash from projects which perpetuate misery and poverty to their fellow men?

Who lives in those places except those who can swallow the fact that their companies charge extra from their Pinoy consumers and charge them even more for services which the hapless Pinoy consumer did not even use?

Who lives in those places except those whose ancestors took away and occupied hundreds of hectares of land from indigenous tribes and soaked their hands with their blood?

Who lives in those palatial houses except those blood thirsty hounds who smell blood and opportunity every single time hundreds die due to calamities caused by defective drainage systems, bad roads, etal?

Who lives in those empty pearly white mansions except those whose hearts are splashed with darkness by the cries of hundreds of young Filipinos working their mines and some, dying from hunger.

Worse, these people have the gall to require us to pay them homage, like semi-gods dominating a blighted land?

Napoles and her family can flaunt their wealth. General Carlos Garcia's hyperventilating son can flaunt his. Someday, somehow, the God of Justice will descend upon them and will cut their heads and display them on a plastic China-made plate.