Sunday, January 26, 2020

TELECOMMS GATEWAY DAPAT NANG ISA KAMAY NG ESTADONG PINOY

Kung talagang matapang tong si Tatay Digong, bakit hindi niya kunin ang telecommunications gateway na pinagkakakitaan ngayon ng mga oligarkiya at hindi lamang ang pag-atake sa mga water concessionaire agreements?

Open secret naman na pag-aari itong gateway ng estado, ngunit sa ngayon tanging ang PLDT ng mga Pangilinan at Cojuangco ang kumikita mula dito. Hindi ba dahil mayroon na tayong DICT, panahon na para bawiin ito sa pribadong kamay?

Mahalagang bahagi ng demokrasya ang telekommunikasyon. Liban sa pagkain, tubig, at iba pang kasama sa hierarchy of needs, hindi mapapasubalian ang kahalagahan ng komunikasyon. Trilyong piso ang kinikita rito. HIndi ba dapat ang mga mamamayan ang makinabang dito at hindi ang PLDT?

HINDI NAMAN SOBRANG HIRAP AT SOBRANG TEKNIKAL ANG PAGMEMENTINI NG GATEWAY. Bakit ipinagkakatiwala ito ng pamahalaan sa pribadong kamay gayong malaki ang posibilidad na mahulog ito sa kontrol ng mga kaaway ng estado, lalo na ng China.

SULITIN NA AT ANGKININ NI TATAY DIGONG MAGING NG KANYANG MGA SARILING OLIGARKIYA ANG BUONG SERBISYO PUBLIKO SA PILIPINAS. ITO BA AY HUSTISYANG BIGAY O REGALO NI TATAY DIGONG SA MGA BUMOTO SA KANYA? OO.

ANG TANONG LAMANG--ME GULUGOD AT WALANG DAGA SA DIBDIB ANG PANGULO AT HANDA SIYANG MAKIPAG GERA SA MGA BIG BOYS DITO SA MAYNILA?

ABANGAN!

Nang palagan si Tatay Digong ng isang brodkaster

Kataka-taka bang "flavor of the month" ang mga oligarkiyang sina Ayala at Pangilinan? Sa ganang akin ay hindi. Nasasa likod ng Globe Telecommunications ang mga Ayala samantalang kontrolado naman ni Pangilinan ang PLDT/SMART--- mga katunggali sa negosyo ni Dennis Uy, ang batam-batang tagasuporta ni Tatay Digong noon pa mang alkalde siya ng Davao City.

Tanggap nating lahat na mayroong mabigat na pagkakasala sa taumbayan ang mga ito bunga ng kanilang pagprepresyo sa atin ng kani-kanilang mga serbisyo na madalas at hindi lamang minsan ay pagmamalabis na. Mayroon tayong pinakamalalang serbisyong pangtelekomunikasyon sa buong Asya Pasipiko, at kung ihahanay sa presyo ng serbisyong tubig sa ibang bansa, atin ang pinakamataas na presyo sa serbisyo ng tubig gayong sagana tayo sa mga likas na yamang tubig, isama pa rito na mayroon nang mga teknolohiyang naririyan na maaaring makapagpababa ng presyo.

Seryoso, mabigat at tunay nga lamang pahirap sa mamamayan ang katusuhang ginawang ito ng daalwang grupong ito at tama lamang na kasuhan sila at itapon sa piitan. NGUNIT, dahil tayo naman ay isang demokratikong lipunan, korte o hukuman ang tamang lugar o venue upang mapanagot ang mga ito.

Kataka-takang dakdak lamang ang pinagkakaabalahan ni Tatay Digong. Naghahamon ng away pero malaki ang kumpiyansa kong palabas lamang ito at sa totoo, hindi na ito kataka-taka para kay Digong. Marami na itong away na akala mo matapang pero me daga pala sa dibdib.

Nariyan noon pang siya ay mayor ng Davao, naghamon ito ng barilan sa isang media personality na ang pangalan ay lantad sa lahat. Tira ng tira kay Digong ang brodkaster na ito at dahil sa nawalan na rin ng depensa si Digong sa kanyang sarili, hinamon siya ng barilan itong taga media. HIndi masagot ni Digong bakit hindi siya dapat iturong mastermind sa pagpatay kay Jun Pala--ang dati niyang suporter na kung hindi dahil dito ay maaaring hindi niya napanalunan ang parka-alkalde ng Davao.

Pinadala si Waldy Carbonell ng National Press Club (NPC) sa Davao para mag imbestiga.

Akala siguro nitong si Digong na hindi siya papalagan nitong brodkaster. Pumayag itong makipangbarilan ala Western style, yun bagang darating ng pagkasikat ng araw, haharap sa kanyang katunggali at sa tapos ng pagbilang mula isa hanggang tatlo, ay kadyat itong bubunot ng kanyang baril usant patayin ang kalaban.

At naganap na nga.

ON time dumating si Waldy Carbonell sa harap ng Davao City hall nang alas 9 ng umaga, dala ang baril at dalawang magazine. Saksi ang mga media ng Davao sa kaganapan at hinintay nila ang alkalde ng mahigit labinglimang minuto.

Ni amino nitong si Tatay Digong ay tumiklop kay Waldy.

Ngayong pangulo, siguro mas matapang tapang na tong si Digong na ayon kay Atty. Homobono daza ay isang "boy-man" na hindi nakakalibot o nakararating sa isang lugar nang walang bodyguard.




TOTOO BANG GALIT SI TATAY DIGONG SA MGA LUMABAG SA BATAS NA MGA AYALA AT PANGILINAN?

Naghahanap ba ng gulo si Pangulong Duterte o iyang rants nya laban sa mga Ayala at kay Manny Pangilinan ay isa lamang palabas o pakana upang makakuha ng ganansya sa mga ito? Sa kasaysayan, dalawa sa ating mga dating naging pangulo ang humamon sa tapang at lakas ng mga oligarkiyang ito, at sa kasamaang palad, kapwa sila napatalsik sa kapangyarihan.

Hindi na bago ang mga pamilyang ito sa taktikang ito ng mga nasa pamahalaan. Sa mga bayan bayanan at syudad, kadalasang taktika ng mga alkalde ang mga ganitong bagay---maggagalit-galitan upang makakuha ng ganansya para mismo sa mayor o sa mga alyado o kasapakat nito. Syempre, sino bang businessman ang hindi matatakot? Isinagawa ang mga batas para sa kaayusan ng lipunan ngunit karamihan dito ay mga patakarang minsan nang napatunayang isinagawa upang ipitin ang mga lehitimong pangangalakal. Kumbaga, kung merong AC-DC or attack and collect, defend and collect sa hanay ng mga peryodista, meron din nito sa mga pulitiko.

Hindi na basta-bastang pipityuging pulitiko si Digong--- sa kanyang pagtataya, siya na ang pinakamakapangyarihang pulitiko sa Pilipinas at kanya itong ipinamamarali hindi iisa kundi maraming beses. Pinapakete ito ng kanyang mga communication handlers bilang patawa, pero kung titignang mabuti, hindi na ito katawa-tawa kundi naging isang seryosong bagay na maging kay Digong. Kung ikukumpara nga tong si Tatay noon lamang pagkapanalo niya noong 2016 at sa kasalukuyan, malaki ang kanyang pagkakaiba. Tingin ko, kinain na siya ng kanyang kahambugan at naniwala na sa mga propaganda na lumabas at lumalabas mula mismo sa kanyang mga kaalyado at maging sa pamahalaan.

Batid din ng lahat na hindi rin naman basta na lamang nagmarakali ang Pangulo nang matuklasan nia ang mga di kaaya-ayang probisyon ng mga water contracts. Datihan nang lantad ang mga katotohanang ito sa Pangulo at sa edad niyang pitumput apat na may tatlumpung taon sa politika, imposibleng ang mga katotohanang ito ay ngayon lamang lumantad sa kanyang harapan.

May nilulutong gimmick itong si Digong na tinatakpan ng kanyang mga mabubulaklak na atak laban sa mga Ayala at Pangilinan. Siyempre, ang mga kasapakat niya, ang mga "economic" at "financial geniuses" na tulad nina Almendras, Diokno, at Medialdea kasama na ang mga kalabang oligarkiya ni Duterte kabilang na ang pinakamayamang oligarkiya, si Manny Villar, Dennis Uy, Lucio Co at iba pa ang nagsama-sama upang kumilos laban sa mga Ayala, Lopez at Pangilinan na itinuturing nang mga tradisyunal at matatagal nang kumukumpas ng direksyon ng bansang ito hindi lamang dekada kundi lampas sang dan taon na.

Ang malting katanungan--handa ba ang bansa sa isang nakapangyayaring kiskisan at banatan ng mga oligarkiyang ito? Sa katotohanan, hindi na ito bago at nagaganap ang labanan sa pagitan ng mga ito sa kani-kanilang mga boardrooms. Ngunit, ang pinagaawayan ngayon ay sang seryosong bagay, hindi lamant para kay Digong kundi para sa ating lahat na karaniwang Pilipino.

Nakaambang premyo sa labanang ito ang trilyon-trilyong pisong kaban ng bayan na galing sa pawis at dugo hindi lamang ng mga Pilipinong naririto kundi maging yaong nagpapa-alipin sa bang bansa. Hindi na pipitsugin ang paglalaro ng pampublikong yaman. Isa na itong seryosong bagay para sa mga oligarkiya na hindi kuntento sa kanilang kita sa pribadong merkado sa pamamagitan ng mataas na pagprepresyo sa kakapiranggot o mumong produkto o depektibo o walang binesang serbisyo.

Nilalaro na rin ng mga oligarkiya ang pampublikong kaperahan, hindi lamang pandagdag sa kani-kanilang kita kundi kadalasan dito na nila kinukuha ang kanilang kayamanan.

Ang mga katulad ni Tatay Digong ay itinuturing na gamit lamang para maitulak ang agenda ng mga mangangalakal o oligarkiyang nakapalibot sa kanya o yaong kanyang sinuportahan at pinalaki mula pa noong siya pa ay isang alkalde ng Davao. Maaaring nakikinabang din si Digong sa kaululang ito o magari ring hindi, ngunit ang malinaw pa sa sikat ng araw ay ang katotohanang nagagamit sa pampersonal na interes ang Tanggapan ng Kapanguluhan na sa katotohanan, ay sang pagmamalabis na sa kapangyarihan.

Halatado namang press release lamang ni Tatay Digong ang kanyang panay-panay na pagsasapubliko ng kanyang diumano'y "galit" sa mga Ayala at Pangilinan. Kasi kung may katotohanan ang kanyang bintang at mga binibitiwang akusasyon, naririyan ang Korte Suprema o kaya dili ang mga lokal na hukuman upang kanyang maisakatuparan ang kanyang diumano'y balak na pagpaparusa sa mga nagkakasalang oligarkiya.

KUNG MAY KATOTOHANAN ANG MGA GAWAING ITO NI TATAY DIGONG NGAYON LABAN SA MGA OLIKARIYANG ITO, HINDI NA NIYA ITO HIHIMUKING PUMIRMA NG BAGONG KONTRATA AT ALALAONG BAGA'Y KAKASUHAN NA NIYA ANG MGA ITO, ITATAPON SA KULUNGAN AT KANYA NANG PANGANGASIWAAN ANG SERBISYO NG PAGHAHATID NG TUBIG SA BAWAT GRIPO NG MGA PILIPINO. 

May kasabihan ang mga Pilipino--ANG PUTAK NG PUTAK KADALASAN WALANG LAMAN O HUNGKAG. 

Marami nang mga halimbawa ang nagpapatunay na BUMIBIGAY ITONG SI TATAY DIGONG. NARIRIYAN ANG KANYANG ATAKE SA MIGHTY CORPORATION NA PINAGBAYAD LAMANG NG KAKARIMPOT NA MULTA AT NAGPARAYA UPANG MABILI NG MURA NG MGA DAYUHANG MANGANGALAKAL NA MALAPIT KAY Dennis Uy.

NARIRIYAN ANG PAG-ATAKE NIYA KAY ROBERTO ONGPIN NA NAUWI NAMAN SA PAGBENTA NG KANYANG SHARES SA ISANG KORPORASYONG KALABAN NI Dennis Uy AT CONGRESSMAN ALBEE BENITEZ, ISA RING SUPORTER NI DIGONG.

HINDI NAMAN TAGO SA LAHAT ANG NGAYO'Y MAGANDANG PAGTITINGINAN NINA DIGONG AT LUCIO TAN NA INAKUSAHAN NI DIGONG NA MARAMING UTANG NA BUWIS SA PAMAHALAAN AT KUNG ANO-ANO PA. NGAYON ANG KRONI NOON NI MARCOS AY SIYA NANG KRONI NI DIGONG. 


Tuesday, October 29, 2019

Currentph is my new baby

Hey guys, what's up?

Sorry, if I was'nt able to write stuff here at this site. I was so busy populating my new baby https://currentph.com that I forgot to write here. I intend to link this site with http://www.currentph.com.

Please follow me there.

Currentph.com is a great site because it is extraordinary. It is not your usual blog which lacks an editorial segment. We have a team of veteran journalists who curate the news items written by our five man team of content producers. We also have correspondents from different beats.

If you want relevant and truthful narration of facts, information, and expert opinions, visit https://currentph.com.

Saturday, July 6, 2019

Mr. Duterte's Illusory 5-min drive from Makati to Cubao

President Duterte is at it again. After drawing real flak for his failure to address the drug problem within six months, reconcile with state enemies within a year, exterminate oligarchs within two and create peace and stability in Mindanao for the first two years of his administration, Mr. Duterte has again threw out another illusion in the public sphere-- Makati-to-Cubao in just five minutes. He even predicted when this might happen---in September of this year. And true to form, our Highway Patrol Group (HPG) stood behind the President's bravado by providing the media with "scientific evidence" of the President's 5-minute claim.

I don't know if many people still believe in Mr. Duterte's words. I will wager my salary and say that surveys will surely not reflect what the people really think about Mr. Duterte at this point. Our president has practically threw in the towel by saying this and even admitted other monumental failings like:

1. The incendiary South and Martial law. Mindanao is still a dangerous place to go to despite the imposition of martial law. What Mr. Duterte does not admit and probably would not ever admit is the radicalization process on-going in that part of the Philippines. Mr. Duterte is prone to quick fixes but I think what is happening there is beyond the calculations made by his hawks. They think they can effectively suppress people's anti-state sentiments there by barricading and creating walls, by deploying pro-state religious groups and by using sophisticated technologies. The situation in Mindanao right now is heading towards disaster and Mr. Duterte's admission says a lot on how helpless the state is in addressing this humongous problem.

2. Graft and corruption. The prevalence of graft and corruption is one thing that Mr. Duterte assured us that this is within his powers. Yet, Mr. Duterte seemed too reluctant firing his frontliners who have committed grave sins against the people. Talk about political will, and being a toughie, Mr. Duterte seemed a feline when it comes to this arena. Probably, because he personally believes that graft and corruption is one harmless thing like how people in government perceive jueteng-- nothing fancy, nothing lethal-- just taking what they think is due them.

3. The drug problem. Instead of lessening the incidence of drug addiction in our communities, sources within the PNP says the situation has worsened. Drug syndicates have flooded our streets with cheap methamphetamines and the PNP seemed helpless in stemming its tide. Worse, designer drugs are also being consumed by more people now than before.

4. Water and power crises. This crisis, to be perfectly honest about it, shows how people both in the private and government sectors perceive private-public initiatives-- just money making ventures. People have been paying a lot for their water and electricity. Water companies have the responsibility of modernizing their facilities but they are not doing so because they are only after profits. Nothing wrong with this except that these services are considered basic for the normal operations of a society such as ours and commercializing these things is to my mind, entirely cruel and immoral.

5. West Philippine Sea issue--- This has caught the ire mainly of rich and middle class segments of Philippine society. The seemingly innocuous foreign policy of Mr. Duterte has affected not just political but trade relations with other countries. Worse, it likewise portrayed or place the Philippines in an extremely bad light.

Wednesday, June 26, 2019

Brewing revolution in Philippines

I just read a Deloitte Philippines survey on Filipino millennials. Like what I shared with you my dear readers a year or two ago, trust with institutions is going steadily southward, as people are getting further impatient with the way things are being managed on the socio-political and economic sphere. The ongoing financial and economic malaise is starting to affect the lives of millennials. And the overwhelming perception is that politics has something to do with it. That explains why millennials regard authority figures as negative influencers.

I will not anymore discuss the results of the survey and one can find it here at this link: https://newsinfo.inquirer.net/1134127/ph-millennials-have-low-trust-in-political-leaders-journalists-says-study. What this survey shows is that the Filipino youth is beginning to rouse from its stupor. They know the problem and they are trying to find a personal solution on these problems.

The thing right now is that there are a few outlets by which millennials can actively go to to satiate that desire to do something. Formalized institutions such as the National Youth Commission (NYC) or the Kabataang Barangay (KB) are perceived negatively and even contributory to the problems. The ongoing issue against former NYC chair Ronald Cardema has effectively negated the Commission as the legitimate venue for youth expressions. Instead of helping the NYC recover from years of negative perception, Cardema actually harmed or injured the body permanently.

I surmise that a segment of this sector is already radicalized by non-state actors in their respective localities. The worse thing about this is the possibility of this segment veering towards syndicated criminal groups which promises both personal and social upliftment. This is already being noticed by police authorities as more members of the youth are either being arrested or killed during drug sting operations.

Revival of the Opposition

Dont write the opposition off--not at this point.

The legitimate oppositionist group, the Communist Party of the Philippines (CPP) is now at an excellent position to provide a net for this radicalized youth segment. As admitted by the chair of the state's National Intelligence Coordinating Agency (NICA), the state is losing in the propaganda war and this is expected since the poster boy of the oligarchs and political opportunists, President Rodrigo Roa Duterte is losing his political capital fast what with his flip-flopping in the China issue and the ongoing water and power crises. Charges of corruption are compounding these crises and inevitably, these things will surely come to a head sooner or later.

However, the CPP must realize that for it to achieve its objectives, the Party may need to review its current socio-economic and political analysis and conform it with the times. I will not expand this further.

Last elections, the Liberal Party was able to effectively organize more than 150,000 volunteers, majority of them members of the youth sector. As I told my friend over there, this is somewhat a surety because the LP can organize these youth sector members as frontliners in LP activities and train them as their future leaders.

Thursday, June 13, 2019

Hongkong protests may signal more problems for Chin

China does not seem to understand.

When big multinational and even local companies are already in sympathy with the people of Hongkong, the Chinese Communist Party should try to listen. While the extradition law which the Hongkong legislature and the Central Committee tries to implement seemed rational, and consistent with China's core strategic policies of inclusion, China must recognize that Hongkong and other territories like Taiwan and Macau are peopled with individuals who were born outside the mainland, and therefore, are expectedly resistant of China's laws and policies. The recognition of "one country, two systems" is the only bond that has worked for Hongkong-West and China.

Hongkong serves nothing more than a financial hub. It is not a major industrial manufacturing hub. It is a port which bridges the West to the East. Western capitalists are not necessarily keen on operating under China's socialism, for reasons as old as the Cold War.

The peoples of Hongkong realizes this and placing them into the legal jurisdiction of China violates the earlier agreed "one country, two systems," principle. Hongkongers know that if such a law is implemented, it will discourage Western firms from having headquarters in the island. That would further affect the economy which has maintained a steady yet dismal 2% growth since the nineties. Lesser investments mean less income for Hongkongers who depend on foreigners and tourists for their survival.

In a way, what is happening in China is a struggle against a principle which violates another well established principle. China wants nothing more than make Hongkong a part of a bigger and larger economy like China yet doing so also means sacrificing the inflow of foreign investments into the island and eventually, to China.

And the timing is really not ideal. China's economic growth has slowed and I think economists within the Party thinks that by controlling Hongkong, it would at least stem the slow growth. This is a wrong assumption. China's productive capacity is slowing because of decreasing demand orders.

China's acts may impinged on Hongkong's economy, and it may even affect China's overall economic growth.

Wednesday, May 29, 2019

80s and 90s defined 2019

Admit it--- eighties and nineties acts defined contemporary music now. Pop, r&b and alternative acts right now owe the Spice Girls, Michael Jackson, Madonna, Cyndi Lauper, Oasis, Nirvana, George Michael of Wham, Culture Club and others some credit. These people influenced their music.

I want to particularly mention the brave girls of rock and roll and pop for setting the cultural standard that defined that generation and in a way, this generation. Listening to those music now makes me extremely proud that I lived during those times when they were still actively producing excellent material.

With the exception of Madonna, Lauper and the Spice Girls, some of these people had already retired or had already passed on. Yet their music lingers on. Listen to their music and theirs seemed like its new materiel.




Sunday, May 26, 2019

Spice Girls Reunion Tour now on!

The iconic girl band which captured the Gen X is now on a reunion tour. Without Posh spice (Viktoria Beckham), Scary (Mel B),  Ginger (Gerri Hallowell), Baby (Emma Bunton) and Sporty (Melanie C) went to the Dublin stage amidst thousands of shrieking fans.

Though the show went well, acoustic problems attended the entire show.

No explanation was provided why Posh spice was not there. Some say Posh spice had scheduling problems (kung ayaw, me paraan. Kung gusto, matutuloy).

How about Asia, huh, Spice girls?

My New Darna: Top 10 names for possible Darna

As expected, the beautiful Liza Soberano decided not to continue shooting the new darna series over at ABS-CBN 2. Her handlers say the role was physically tiring for the young actress and a finger injury was the one that broke the camel's back so to speak. She needs surgery and rest.

We all know what is truly the reason why Soberano backed out.

Soberano does not register as an authentic Darna except of course, if you want your Darna a darling matinee icon?

Soberano is a class all by herself. The fact is, Soberano a beautiful specimen of good American and Filipino genes and her face should instead, light up a thousand Western or US magazines. Or, maybe, audition for a role in a US show or film.

But, to be the Darna for the new generation, Tarrog and the other guys over at ABS-CBN 2 are gravely mistaken. Darna is not just some bimbo out there wearing a bikini with belt and a cowboy's lasso. Nope.

Darna is a personification of the Filipina woman, an iconic figure brought forth from the annals of Philippine history. What endeared Darna to the Filipino public is not a half-exposed boob, no.

Darna must personlify the beauty of the Filipina, the strength of her heart, exudes authority from her very skin and Respect is key.

Look at the long lines of actresses who portrayed Darna. Most of them are iconic figures before they donned the Darna suit, i.e., Vilma Santos, Sharon Cuneta, even Anjanette Abayari and Nanette Medved. Before Marian Rivera or Angel Locsin agreed to swallow the magical stone and turn themselves into Darna, they were already known to be beautiful ladies with down to earth attitudes and a highly dynamic public persona.

Soberano does not have those.

Who, then, do I think worthy of taking Soberano's place as Darna?

1. Pia Wurtzbach---- has the looks, the x-factor and probably the thespian skills to be THE Darna.

2. Bela Padilla--- she maybe be mestiza but she has that x-factor. She can be a sultry lady at one time and a virgin in another. After her highly successful stint as wife of the probinsyano, it is time for Bella to have her own show and Darna, I think is it.

3.Yen Santos--- has the body, the face to die for and I think, the chops to do the role.

4. Ariella Arida--- though she needs some acting workshop and training, Ariella has the appeal, the body and the attitude to make it into Darna.

5.  Maja Salvador--- she does not need my push. This girl rocks.

6. Bea Alonso

7. Sue Ramirez--- she is the rock n roll version of Darna. May appeal to Millennials.

8. Jessy Mendiola--- enuf said.

9. Valeen Montenegro--yes, yes, a Kapuso star. But for Darna, maybe the big bosses of GMA would allow her.

10. Kim Domingo--- this may yet boost her career to stratospheric heights!

Friday, May 10, 2019

Liham Para sa mga Kapatid na Pilipino

Sa ating mga kapatid na Pilipino,

Habang tayo ay naghihintay sa ating halalan sa Lunes, tila baga umuusad ang mga araw ng napakabagal. Tatlong araw pa, ngunit sadya yatang naglalaro ang ating Kapalaran at alalaong baga’y ang mga segundo ay tila minuto kung susumahin.  

Binibigyan ba tayo ng Maykapal ng sapat pang panahon upang makapagmuni-muni sa ating mga gagawin sa araw ng halalan? Samu’t-saring mga bagay ang ating pinagkakaabalahan at karamihan sa atin ay abala sa paghahanap-buhay o kaya ay pag-aalaga sa ating mga mahal sa buhay. Kaya naman, bagaman batid ng bawat isa ang kahalagahan ng halalang ito, lahat din naman tayo ay may pananaw na kung ikukumpara sa isang halalang pampanguluhan, ang darating na halalan sa Lunes ay para sa isang kapulungang naging katatawanan sa iilan at walang halaga naman sa karamihan.

Kaya naman, hindi kataka-taka na sa mga nakalipas na halalan, naihalal natin sa Senado ang mga taong mayroong popularidad kaysa kapasidad. Nalulungkot aniya si dating Senador Rene Saguisag bunga diumano ng pagbaba ng kalidad ng mga namumunuan sa Mataas na Kapulungan. May basehan ang kanyang pananaw sapagkat ilang dekada ang nakaraan, karamihan sa mga naihalal ng taumbayan sa kapulungang ito ay may mataas na antas ng kaalaman, mayroong busilak na reputasyon at inani ang kanilang pagkahalal sa direktang pagsisilbi sa bayan. 

Ngayon, namamayani sa mga sarbeys ang ilang mga walang kakayanan at ilang nakitaan ng katiwalian mismo ng mga hukuman. Dahil sa nailagay sa mga pahayagan, tinatanggap na ang mga sarbeys na ito bilang katotohanan batay diumano sa karanasan at dahilan sa siyentipikong pamamaraan. 

Muli tayong nililinlang at ipinamumukha sa atin na kailangan nating sumunod sa dikta ng sarbey. Sila ang paborito ng balana, sabi ng sarbey at masasayang lamang ang boto mo kung hindi ka susunod sa uso.

Paano bang iboboto mo ang isang pogi pero tiwali? Isang anak daw ng masa ngunit nagpasasa sa buwis ng balana? Isang beterano na sa pulitika ngunit tulad ni pogi at ni Estrada, nasama sa listahan ng mga pulitikong nanlinlang sa sambayanan?

Anong gagawin ng isang utusan sa mataas na kapuluan? Palagian ba siyang tatawag sa telepono para hingin ang pananaw ng kanyang prinsipal sa oras ng debatehan? Kaninong interes kaya ang kanyang isusulong kapagka naihalal sa Senado? Sa isang tao na bigla biglang naging pamoso sa kagyat na panahon, tiyak kong marami itong pinagkakautangan ng loob. Malalaki at dambuhalang interes ang kanyang isusulong.

Talaga bang iboboto mo ang isang anak ng napatunayan nang nagnakaw sa kaban ng bayan at ginawang gatasan ang sambayanan? Hindi lang tayo niloko na may diploma daw sa isang pamantasang pamoso, niloloko pa tayo ng isang katiwaliang kontrata sa mismong probinsya nito.

Araw-araw, pinakikinggan natin sa mga radyo at nakikita sa telebisyo ang iba’t-ibang mga anunsyo, ang iba’y inaaliw tayo ng mga sayaw, ang ilan nama’y nagpapa-alaala sa atin ng kani-kanilang mga ginawang serbisyo publiko, na tila baga pinapa alala sa atin ang ating utang na loob sa kanila sa pagseserbisyo nila sa publiko, samantalang sa katotohanan, wala namang pumilit sa kanila na puma imbulog sa pulitika kung hindi ang sarili nilang pagtataya at naising protektahan ang kani-kanilang mga pansariling interes. 

Sa lahat lahat nang ito, ang tanong sa atin ay--- ano ang dikta ng konsensya mo? Masisilaw ka ba sa salapi at katanyagan pero me hungkag na kaisipan? Kumbisido ka bang bigyan pa ng pagkakataon ang mga kandidatong nagnakaw na ng pera ng bayan noon at nakikiusap ibalik sila sa Senado ngayon? Sapat na bang aliwin ka ng sayaw, ng comedy skits at pagkanta sa entablado kapalit ng boto mo? 

Utak at konsensya dapat nating ipagana lalo na sa halalang ito. Kung hindi tayo magiging mapagmatyag at seryoso, tiyak kong ilalagay natin ang bayan sa tunay na peligro.

Nag-aantabay ang Tsina sa di kalayuan. Kritikal para sa kanila ang susunod na tatlong taon. 

Bilyon-bilyon ang kapital na ibinuhos ng Tsina sa Pilipinas. Kailangan nilang protektahan ang mga ito. Tatlong taon na lamang ang administrasyong ito. Kailangang maipatatag ng Tsina ang kanilang impluwensya sa mga kapulungang tulad ng Senado sapagkat dito kinikilatis ang mga kontrata at kasunduang pinasukan ng administrasyong Duterte. 

Kung hindi babantayan ng mga galamay ng Pangulo ang Senado, may makakalusot na kontrobersya tiyak maski isa o dalawa sa mga kontratang pinasukan ng pamahalaang ito. Naipakita na ng Senado bilang isang institusyon ang kakayahan at kapangyarihan nitong ipawalang bisa ang mga kontrata at tratadong minsan nang pinasukan ng gobyerno. 

Kung magpapadala tayo sa uso, magigising na lamang tayo sa isang Senado na utus-utusan lamang ng Ehekutibo. Mawawalan tayo ng isang institusyong magbabantay sa ating mga karapatan. Sisikip ang ating mga gagalawan sapagkat tiyak kong sa natitira pang tatlong taon, marami pang mga karapatang lalabagin ng estado sa ngalan ng pansariling interes ng mga namumunuan dito.

Patuloy na tataas ang mga bilihin sa manipulasyon ng mga kartel na malapit sa makapangyarihan. Mamamayani ang katiwalian, lalakas ang pagpapalusot sa mga pantalan at babaha ng mga makapamuksa at mapanganib na mga bagay na makasisira sa kalusugan ng mga bata, mga ina at mga matatanda. 

Tataas pa ang presyo ng kuryente, ng tubig, ng singil sa toll at ibang pang singilin sapagkat gagawa ng kaparaanan ang pamahalaan upang bayaran ang mga lumulobong pagkakautang nito sa mga dayuhan lalo na sa Tsina at sa mga bangko, lokal man o dayuhan.

Sa loob lamang ng tatlong taong nakaraan, nakita na natin ang paglala ng ating kalagayang panlipunan. Nanumbalik ang karahasan. Binabaha ng iligal na droga ang ating mga lansangan at pamayanan. Nanauli ang palakasan sa mga ahensya ng pamahalaan. Tumaas ang instansya ng katiwalian. 

Bagaman mayroong maraming mga mabubuting bagay ang naisagawa, tulad ng pagpapabilis sa serbisyo publiko, inililigaw tayo sa paniniwalang may kaayusan sa gobyerno gayong matingkad pa sa sikat nang araw na unti-unting ipinagbibili ang ating mga karapatan at mga batayang pagmamay-ari ng ating kapuluan sa mga dayuhan.

Sinasakal din ng mga dambuhalang interes ang pamunuan ng pamahalaan, na bagaman mayroong nagsisilbi dito nang may tunay at marubdob na pagnanais ng kaayusan at pagbabagong panlipunan, ay kinakain sila ng mga kalakarang mapamuksa at naililigaw din ng kinang ng kapangyarihan at kayamanan.

Tulad ng mga naganap sa bayan ng Sodom at Gomorrah bago sila puksain ng Maykapal, lumiit ang bilang ng mga banal sa bayang pangako. Anupa’t may halaga ang pagiging banal sa panahong mas uso ang maging hangal?

Magmuni-muni. Sundin ang utak at konsensya. May halaga ka sa pagbabago. Huwag sayangin ang boto mo. 


Tuesday, January 22, 2019

A doomed BOL?

Yesterday's plebiscite for the Bangsamoro Organic Law (BOL) reflects the unreported undercurrent of dissent by several segments of the population in Mindanao on this proposed counter-insurgency measure. A mayor from Cotabato described the electoral exercise as "violent" due to the enormous presence of a big number of MILF fighters in their area. Cotabato City mayor Cynthia Guyadi, who actively campaigned for a "no" vote, claimed of reported pockets of violence in several polling precincts. Several predominantly Christian areas in Mindanao are wary of the BOL inspite of the support President Duterte lent on it.

Let us call a spade a spade--this BOL proposal aims to quell the 15 year old insurgency being waged by the Moro Islamic Liberation Front (MILF), a splinter group of the Moro National Liberation Front (MILF) of Nur Misuari. Misuari led the very first large organization by Filipino Muslims which aspired or waged an armed struggle for the total separation of the Moro peoples from the Tagalog-dominated central government. This decision to separate came when the Philippine Government began seriously considering the re-acquisition of Sabah from the Malaysian Confederation. Previous to 1967, no serious effort was made by Filipino Muslims to call for the establishment of an independent state. Calls for a separate state only happened during the dictatorship of President Marcos and likewise, during periods of economic instabilities emanating from the center.

Political inclusion, which is basically the thing which several people claim to be the foremost call of the Bangsamoro peoples, has been given to the Bangsamoro eversince this Republic existed. Previous legislatures especially during the post-war and the pre-war periods, show a sizeable number of Mindanao-based politicians from prominent Muslim clans who occupied high posts in both Houses. Of course, there would be varying degrees of representation as years passed, but definitely the intention of giving representation has always been there for the Filipino Muslim clans based in Mindanao.

So, why did it changed during the sixties? Simple explanation--- Sabah.

Sabah is a territory owned by the Sultanate of Sulu. It is now a part of the Malaysian Confederation. There is sufficient historical evidence proving the ownership of these vast tracts of land to the Sultanate. Philippine president Macapagal initiated the call for the claim of Sabah as part of Philippine territory and it was during the time of Marcos that such calls became a priority government initiative. And what did the Filipino Muslims gave as an answer? A raging insurgency reportedly supported by its neighbor Malaysia, who has a direct stake in the claim of Sabah.

Giving now several parts of Mindanao to the MILF is a serious political complication. For one, the present BOL is just a mere shadow of its old self. Likewise, this BOL does not resolve and it actually and in fact, complicate internal matters in Mindanao simply on one issue alone---constitutionality. How can there be a separate "organic law" when the rationale behind the very establishment of an autonomous region was stated specifically by the very constitution which re-established this very same Republic? If as former Senate president Koko Pimentel III claims that the BOL is just a refinement of the previous ARMM, then, why is it that the BOL promotes a different legislative setup? Don't tell me that the Federal setup is part of Islamic culture or laws? I sincerely doubt the veracity of such a claim.

As an autonomous region, it does not necessarily follow that the process of legislation must be different from the rest of the process being exercised or practised by the rest of the political units of this Republic. The expectation really is for the autonomous region to have the exact legislative process as with the rest to avoid complications.

Several other factors affect the succes of the BOL which I will write on a later piece.