Tuesday, September 19, 2017

Alay sa mga Pilipinong nagmamahal sa Inang Bayan

Alay ko ito sa mga Pilipinong nagmamahal sa kanyang Inang Bayan.



Saan ka man Kabayan, iisa ang iyong pinagmulan---ang Inang Bayan.



Sa mga naguguluhan sa mga kaganapan, sa mga naghahanap ng mga kasagutan

at sa mga nagtitimpi ng mga damdamin

hinggil sa mga nangyayari sa ating lipunan sa kasalukuyan,

huwag ka nang umiyak.



Halika't naririyan ang Inang Bayan--siya ang sasagip sa atin



sa mga mapanlinlang, sa mga naghahari-harian, sa mga tuso, sa mga gahaman, sa mga pangakong ibinigay sa tin ng mga nakakatandang tumatandang paurong habang malapit na sila sa hukay,



sa mga halang ang kaluluwa, sa mga walang galang sa karapatan at pagkatao ng kapwa Pilipino, ang Inang Bayan pati na ang Haring Araw, bababa sila't tutulungan tayong manindigan.



Malapit na ang katapusan. Isasarado mismo ng taumbayan ang kadiliman at bubuksan ang bintana ng katarungan!





No comments:

Post a Comment

Thank you very much for reading my blog. You inspired me. But if you intend to put your name "anonymous", better not comment at all. Thanks!