Tuesday, September 19, 2017

Bakit hindi nila maintindihan?

Bakit hindi nila maintindihan?
Na ang hanap lang natin ay matinong lipunan?
Bakit hindi nila tanggapin
na ang layunin  natin ay
kabutihan ng karamihan?

sa mundong pabago-bago, simple lang naman ang motibo
itaguyod ang mabuting gobyerno
huwag pagnakawan ang mga tao
gamitin ang buwis sa nararapat
tulungan ang mga balo
ulila't kapos palad
makaahon sila sa kanilang sarili
bigyan ng katarungan ang api
gawing patas ang pagkakataon
sa me pera't entrepreneur
iunat ang kamay sa mga magbubukid
bigyang gabay ang mga mangingisda
patubuin ang halaman sa mga
tuyong lupa,
at pagyamanin ang mga kabundukan
karagatan, ilog at sapa

Para ito sa kasalukuyan.
Mabuti rin sa kinabukasan.
Para sa mga Pilipinong naririto
at para din don sa kabilang ibayo.

makakamit lamang lahat ito
kung matino ang gobyerno
kung hindi nanlalamang sa mga tao
mga opisyales at mga pulitiko.

kung iisipin lang ng lahat
na tayo-tayo'y magka ugnay
ang kagalingan ng isa'y
kagalingan ng lahat
ang kaululan ng isa'y
kapamahamakan sa lahat
mariwari ay
tayo'y uusad sa tagumpay

kakain ng tama ang lahat.
ulila man, balo't kapus palad
lahat ng bata'y makatatapos
ng kanilang pag-aaral
wala tayong maiiwan.

Gaganda ang kapaligiran
maiiwasan ang karahasan
mababawasan ang mga kawatan
iigi ang lagay ng lipunan.

bakit hindi nila maintindihan?
dahil pansarili lamang ang nasasa isipan
paano makalamang sa kapwa Pilipino
ibubuwis ang karangalan
para lang sa karangyaan.






No comments:

Post a Comment

Thank you very much for reading my blog. You inspired me. But if you intend to put your name "anonymous", better not comment at all. Thanks!