Thursday, July 4, 2013

"Fenoy" ang tawag sa Pnoy

ang sabi ng komisyon  ng felifeno language, palitan daw sa "f" ang "p" sa "pilipino" at gawing "filipino". Pagfafakita ito ng tamang historical fersfective.

ibig sabihin, ang Pinoy ay dapat "Finoy" tulad ng fenoy sa penoy. ang Philippines ay dapat daw Felipinas, tulad ng pagbanggit ng mga Kastilaloy noong unang panahon.

Bakit, ang tunay bang pangalan ng felipinas ay filipinas? Hindi.

Bago fa man dumating ang mga Kastilaloy, iba iba ang katawagan sa felipinas. Sa mga taga Luzon, Lucones ang tawag. Sa mga taga Butuan, Butuanon at sa mga Mindanaoaon, Maguindanaoan o kaya'y Tausug.

naaalala ko panahon ni Macoy, umusbong naman ang Luzviminda, isang salitang kumbinasyon ng Luzon, Visayas at Mindanao.Isipin mo kung ganun ang pangalan ng ating bansa, matutuwa si aling luz dahil awtomatikong magkakaroon ng sarili niyang refublika.

okey na din sigurong "fenoy" ang tawag kay Pnoy.