Thursday, July 19, 2007

Soldiers dismayed by the government

Detenidong mga sundalo dismayado sa AFP, gobyerno
from ABS-CBN News Show "Bandila"


Isang sulat-kamay na mensahe ang ipinaabot ng mga sundalong nililitis ngayon sa court martial proceedings kaugnay sa naudlot na kudeta noong Pebrero 2006.

Ang mga Marine na nilitis ay nagpakalbo din noong Martes bilang pagpapahayag ng simpatiya sa mga napatay at pinugutan na mga sundalo sa Basilan at bilang pagkadismaya sa pamunuan ng Armed Forces of the Philippines.

Sa court martial hearing nitong Miyerkules, naghihimutok ang mga Marine at sinabi sa sulat-kamay na liham na gusto nilang tumulong sa paglaban sa mga kaaway kaysa mabulok sa kulungan.

Sinabi nilang kahit gusto nilang maging bahagi ng solusyon itinuturing naman silang problema ng pamahalaan.

Idinadagdag umano nila ang pagkamatay ng kapwa Marines sa mga kasalanan umano ni AFP chief Gen. Hermogenes Esperon.

Ang asawa ni Col. Ariel Querubin ang naghayag ng saloobin ng Marines.

“Because of his greed, for power, for money and everything. I am sorry we have that kind of AFP leader,” pahayag ni Gng. Pong Querubin.

May mensahe rin si dating Marine commandant Maj. Gen. Renato Miranda sa dating mga tauhan.

“I salute them, those who have died. They did not die in vain and they remain as marines and they lived up to the expectation of the Filipino people,” sabi ni Miranda.

Nagtagumpay si Miranda nitong Miyerkules nang napatanggal niya bilang pinuno ng court martial si Lt. Gen. Alexander Yano.

Walang maipalit dahil dapat ay ka-ranggo o mas mataas ang uupo kaysa kay Miranda.

No comments:

Post a Comment

Thank you very much for reading my blog. You inspired me. But if you intend to put your name "anonymous", better not comment at all. Thanks!