I will write this blog now in Filipino.
Kayong mga pulitikong kasalukuyang nakaluklok sa Palasyo, sa Kongreso at mga lokal na pamahalaan--NAKAKAHIYA KAYO. WALA KAYONG MGA HIYA. WALA KAYONG MGA APDO.
Humahanga sana ako kay dating pangulong Ramos. Ngunit, sa ginawa niyang pakikipagbati kay Mrs. Arroyo, pinatunayan lamang niya ang isang bagay--malayong malayo siya sa kanyang idolong si Lee Kuan Yew na may bayag laban sa korupsyon. Nakakahiya pa namang itinuring siyang isang statesman at may bisyon. Ngunit, lumabas ang tunay na kulay ni Ramos gayundin ang kanyang tuta na si JDV--mga walang apdo at walang gulugod. Ipanalangin nating sagipin tayo ng Panginoon sa mga buhay na demonyong ito na patuloy na nanunungkulan sa ating bayan.
Sa kawalang galit ni FVR sa patuloy na pananalasa sa kaban ng bayan ng mga galamay ni Gloria lalo na ng kanyang asawa, pinapanigan niya at kanyang inaayunan ang mga katalampalasanang ginagawa laban sa taumbayan ng pamahalaang ito.
Gayundin ang oposisyon---walang maaasahang mabuti mula sa inyong hanay. Puro pulitika ang inyong nasasa utak. Hindi ninyo nais ang pagbabago. Kaya kayo nagngangangawa laban sa pamahalaan dahil gusto ninyo lang na kayo ang magnakaw. Mga kahiya-hiya kayo!
Walang ibang pag-asa kundi nasasa panginoon na lamang.
No comments:
Post a Comment
Thank you very much for reading my blog. You inspired me. But if you intend to put your name "anonymous", better not comment at all. Thanks!