
Marami man ang magsabing
corrupt ang Bansa ko
Marami man ang kumutya
sa brown na balat ko
Proud pa rin ako bilang Pilipino.
Sabihin man nilang
walang hustisya dito
Sabihin man nilang
pati mga rapists
nakakatakas dito
Thank God, Pinoy pa din ako.
Wala mang karapatan
ang mga kababaihan dito
Kinukutya man lahat
ng whistleblowers dito
alam ko namang
sa malaon't madali
Magproprotesta mga Pilipino.
Mga terorista daw mga tao dito
Mga corrupt daw pati negosyo dito
Lahat daw pipi at bingi dito
ang mahalaga
Pinoy pa din ako.
Darating din naman ang araw
na mawawala lahat ng bakulaw
may kabayaran lahat ng kasamaan
pati pagnanakaw sa pamahalaan
huwag lang kalilimutan
Pilipinas pa din ang sinilangan.
Dito, hindi papayag manakawan
Dito, hindi papayag ang masunugan
Dito, hindi papayag sa katiwalian
Hintay lang at panahon din
ng kawakasan.
Lalabas din ang Katotohanan
Sisikat din ang Katarungan
Mananauli din ang Kapayapaan
Dahil lahat dito, Pilipino.
No comments:
Post a Comment
Thank you very much for reading my blog. You inspired me. But if you intend to put your name "anonymous", better not comment at all. Thanks!