
Batay sa istadistika ng pamahalaan, may 92.3 porsiyentong employment rate ang Pilipinas. Sa pigurang ito, 63.3% ang may trabaho, samantalang 7.7% ng ating populasyon ay iyong tinatawag na unemployed. (Based on government statistics, the Philippine employment rate is 92.3%. From this figure, 63.3% are employed, while 7.7% are unemployed)
Ngayong araw ng Paggawa, muling magsisipagpuntahan sa lansangan ang libo-libong manggagawa upang hilingin sa pamahalaan ang pagtataas ng kanilang mga sahod. Ani ng mga manggagawa, hindi na nila kaya ang mataas na bilihin, ang sobra-sobrang taas din ng pamasahe, kuryente at tubig. Mahigit 43.1% ng kinikita ngayon ng mga manggagawa ay ipinambibili ng pagkain ngunit, pati na rin sa aspetong ito, nagtitipid na rin ang mga Pilipino. (Today, Labor Day, workers are again going to the streets to demand from government an increase in their wages. Workers say they are experiencing high prices of commodities, high transportation rates, electricity and water. Almost 43.1% of their pay is spent on food, but, expenses in food are also begi
nning to be limited. )
nning to be limited. )Kaya naman hindi na talaga uubra ang hindi pagtataas ng sahod. Kung non-wage benefits naman ang pag-uusapan, hindi na rin ito makatutulong sapagkat hindi naman nito kayang tustusan ang araw araw na pangangailangan sa pagkain.( That's why, wage increase is inevitable. If we are to talk about non-wage benefits, these can't help the Filipino workers anymore because it can't satisfy the daily food requirements.)
Sabi nga ng PCCI President Serge Ortiz-Luis, tinututulan nila ang wage increase o maski man lamang wage adjustment dahil sa mahigit 4 milyon lamang daw ang makikinabang dito. Yung malaking bahagi ng labor force na napapabilang sa non-formal sector, at ito ay nasasa 27 milyong katao, ay hindi makikinabang sa anumang wage increase. (PCCI President Serge Ortiz-Luis opposes wage increase or even a wage adjustment because only 4 million Filipinos will benefit from this. The big chunk of the labor force belongs to the non-formal sectors, estimated at 27 million people, who'll surely not benefit from a wage increase)
Maaaring may batayan ang sinasabi ni Ortiz-Luis, ngunit, hindi ba niya inisip na malaking bagay na rin kung patataasin mo ang kakayahang makabili ng mga bagay ang 4 na milyong ito? Kung magkakaroon ng wage increase, maaaring umunlad ang retail sector na ngayo'y lugmok dulot ng mababang consumer confidence nitong mga nakaraang mga buwan. Para kay Ortiz-Luis, ang perang dapat ilaan sa pagtaas ng sahod ay ilagay na lamang sa mga kumpanya upang makalikha pa ng dagdag trabaho.
Kumbaga, para kay Ortiz-Luis, ang bilyong-bilyong pisong pera ay nararapat ilaan na lamang sa lokal na industriya upang patabain pa ng husto ang bulsa ng mga kapitalista.
Nakapagsasalita ng ganito ang isang dambulahang kapitalistang gaya ni Ortiz-Luis dahil nanghihina na ang batayang sek
tor ng mga manggagawa. Kung titignan ang istadistika, kakarimpot na bilang na lamang ng mga manggagawa ang organisado o iyong napapabilang sa mga unyon. Bakit mahina ang unyonismo sa Pilipinas? Ito ba'y dahil sa lumiliit na bilang ng mga may trabaho? O simpleng, nakalikha na ng mga sandata ang kapitalista upang harangan ang pagpasok ng unyon sa kanyang kumpanya?
tor ng mga manggagawa. Kung titignan ang istadistika, kakarimpot na bilang na lamang ng mga manggagawa ang organisado o iyong napapabilang sa mga unyon. Bakit mahina ang unyonismo sa Pilipinas? Ito ba'y dahil sa lumiliit na bilang ng mga may trabaho? O simpleng, nakalikha na ng mga sandata ang kapitalista upang harangan ang pagpasok ng unyon sa kanyang kumpanya?Bigla ko tuloy naalala sina Ka Popoy Lagman, ang lider ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino o BMP o kaya'y ang nasirang Crispin Beltran ng Kilusang Mayo Uno (KMU). Sila ang mga lider manggagawang ibinuwis ang kanilang buhay at kapalaran para sa kapakanan ng mga manggagawa. Sa kanilang panahon, malaking bahagi ng mga kapitalista ang di nangiming pa-unlarin ang kalagayan ng kanilang mga manggagawa dahilan sa takot sa lakas ng unyon.
Sa totoo lang, puwersa lamang ang tanging sandata ng mga manggagawa upang makamit ang minimithi nilang pagbabago sa kanilang kalagayan. Walang ibang paraang natitira sa kanila kundi ang magsikhay at labanan ang mga di makataong patakaran ng mga kapitalista.
Hindi na kayang repormahin pa ang mga tradisyunal na pananaw hingil sa paggawa ang mga kapitalista dito sa ating bansa, lalo na't binibigyang suporta pa ito ng isang pamahalaang anti-Manggagawa.
Maaaring sabihin ng iba, payapang metodo na lamang siguro ang gawin ngunit walang ibang alam na lengguwahe ang kapitalista kundi ang di-makataong pamamaraan. Kaya naman nararapat lamang para sa uring manggagawa na gamitin din ang kanilang lakas at puwersa upang maisulong ang interes ng panglahatang sektor ng lipunan.
Sa Araw na Ito ng Paggawa, nawa'y bumunsalit ang galit at lakas ng Masa upang pawiin na ang dilim at simulan ang bagong umaga.
Kung dadaanin lamang sa mga ligal na pamamaraan ang paghingi ng katarungan, walang katarungang makakamtan dahilan sa ilalim ng ganitong sistemang pabor sa kapital, mumo lamang ang matatanggap ng mga manggagawa sa kalaunan.
Sa Araw na ito, nawa'y magningning ang lansangan ng mga manggagawang magbubuwis ng buhay alang alang sa kapwa manggagawa.
No comments:
Post a Comment
Thank you very much for reading my blog. You inspired me. But if you intend to put your name "anonymous", better not comment at all. Thanks!