Saturday, September 5, 2009

Dear Mikey



Dear Mikey,

O, bro, famous ka na naman. Isipin mo, me bahay ka pala sa Amerika worth US$ 1.3 million. Hindi mo naman sinabi na rich ka na. Dati, pa peli-pelikula ka lang. Dati, siyam na taong nakalipas, sabi mo, hindi naman kayo mayaman.

Pilit ko ngang kinuha yung financial records mo nung 2000. Wow, di ka pala milyonaryo nun. Gusto ko ngang kunin yung SAL mo nang nagsimula kang maging Congressman. Gusto ko ngang maniwalang kayang-kaya mong makabili ng bahay worth US$ 1.3 million pero sa liit ng kinikita mo, parang imposible bro.

Naalala ko pa sa programa ko dati sa RPN 9, yun bang " Ratsada Balita". Me kontrobersya sa'yo nun, naalalala mo? Me kumalat na balita na kayo daw ng asawa mo eh gumagamit ng ecstacy pills. Yokong maniwala kaya tinanong kita at on air, naghubad ka pala ipakita kung gano ka kataba. Naniwala ako. Pero, nabasa ko na hindi ka naman papayat kung ecstacy ang gamit mo. Baka naman na misinterpret mo lang ang tanong ko. Akala mo siguro, tinatanong kita kung gumagamit ka ng shabu.

Pero, paano nga Mikey? Pano mo nabili yung bahay mo? Mukhang nalampasan mo pa ang iba sa pagyaman, anong sekreto mo? Pwde mo bang i-share? Maganda yan, makakatulong sa tulad kong mahirap at hikahos sa buhay. Baka sa payo mo, makabili din ako ng bahay soon.

Kung dahilan mo, dami mo nang businesses, wow, dati action star ka lang, ngayon businessman na pala. Baka naman yung ibang businesses mo, konektado sa pagiging Congressman mo. Bro, bawal sa batas yan. Baka me conflict of interests ka na. Yan ba ang sekreto? Sige, mag Cocongressman na din ako.

Bro, salamat sa VeraFiles, alam na namin kung san ka hahanapin pagka bumaba na sa puwesto ang mama mo. Pero, dasal ko lang, wag kang aalis dito. Stay ka lang dito sa Pinas. Wag kang pupunta ng Portugal or Brazil. Dito ka lang ha, Mikey? Wag na wag kang aalis. Wag na wag kang eeskapo, ha, okey? Balak kasi namin, sa isang bahay na walang window ka namin patutuluyin pag wala na mama mo, okey?

Thanks bro. O, don't forget to send me your tips on how to get rich quick.

No comments:

Post a Comment

Thank you very much for reading my blog. You inspired me. But if you intend to put your name "anonymous", better not comment at all. Thanks!