Sino-sino ba ang mga tumatakbo ngayon bilang pangulo ng bansa? Isa-isahin natin sila.
Unahin natin, ang dating pangulong Joseph Estrada. Aminadong gangster si Erap. Magaling na manager at people person kumbaga. Maraming kaibigang Filipino-Chinese. Maraming natulungan. Kung bibigyan ng pangalawang pagkakataon, gagawin niyang legal ang jueteng. I'm sure, doubleng ingat sa midya si Erap para kung mayroon mang stinking deal, hindi aalingasaw. Obviously, wala munang casino royale sa palasyo o sa labas ng palasyo. At siguradong tuloy na ulit yung midnight cabinet.
Net---para tayong bumalik noong late 90's at para ding continuation ng Gloria Arroyo regime, na ang ibinibida ay institutional gangsterism. (Mas successful nga lang si Gloria dahil ginagamit niya ang posisyon niya para under control pa rin niya ang sitwasyon at hindi siya matalo ng mga critics).
Kung si Senator Noynoy Aquino naman ang manalo, mamamayagpag na naman ang so-called Kamaganak Incorporated. Mayaman na naman ulit ang mga Lopezes. Mababawi na naman nila yung mga nawala nilang kayamanan dahilan sa mismanagement ng mga kumpanya nila (according to one columnist). Yung mga dating opisyales na naging popular under ke Cory, hayan, balik sa poder na naman. Balik na naman tayo sa galunggong bilang barometro ng pambansang paglago. Kumbaga, middle class power climate ang mananauli. Of course, tuloy ang ligaya ni Danding Cojuangco. Sa kanya pa rin ang Coconut levy fund. Kamaganak eh, eh di lusot na naman! Pero, tingin ko din, maiiba ng kaunti. Magkakaroon ng malaking tarp bearing the photo of Cory sa Luneta. Wala namang masama yun, except na medyo ganun din ang ginawa ng mga Chinese sa Red Square---di ba me malaking picture ni Chairman Mao dun? Anong masama kung ke Cory naman ang ilagay natin, di ba? Sambahin ba ang mga anito? Gamitin bang agimat sa pulitika? Okey yun. Bahagi ng kulturang Noypi.
Eh, pano kung si Senator Manny Villar naman ang manalo. Kawawang Jamby at yari si Ping Lacson. Siguradong batas Tondo ang iiral---if you wanted me destroyed, I also want you destroyed. Kawawa ang mga palayan natin, siguradong imbes na gulay o bigas ang anihin natin, uusbong na parang mushroom ang mga sabdibisyon. Expect nyo na na pati sa mga bundok, me sabdibisyon. Papalitan din ang pangalan ng bansa natin from Republic of the Philippines to Vistaland. At least, hindi na tayo sasabihing mga alipin ni King Philip, kundi mga alipin ni Villar na lang. Imbes na Pinoys, Vistoys na tayo. (Parang yun ang taguri ke Villar nung na "vistoy" siya na kumita ng bilyong piso dahil sa pagbenta ng right of way dun sa C-5 ah.)
Kung si Gibo Teodoro naman ang manalo, tiyak, tuloy ang happy days ng mga pro-Gloria. Isipin mo, okey lang ke Gibo kung bilyong piso kada taon ang nawala dahil sa mga alipores at kasapakat niya sa kabinete ni Gloria. Okey lang ke Gibo kung pumarte man ang principal niya sa ibang big-time government contracts. Para sa isang technocrat at Harvard law graduate, okey lang na magnakaw ka ng malaki, basta ba me nagawa kang daan, tulay, farm-to-market roads, maayos ang mga kalsada, malinis, etc. Kahit walang makain ang mga tao, basta me kalsada, kahit na rin siguro walang salbabida, okey lang. Tuloy ang ligaya.
Pano kung si Chiz Escudero naman ang maging pangulo. Yan ang medyo hindi pa tiyak kung anong magaganap. Maaaring maganda o maaari rin namang ganun pa din. Kung si Danding lang ang masusunod, wala nang compromise agreement at akin na ang 130 bilyong pisong ninakaw umano sa mga coconut farmers. Siguradong me utang na loob si Chiz kay Danding at ano naman ang 3 o 4 na bilyong pisong gagastusin ni Danding sa eleksyon ni Chiz kung para kay Danding, San Miguel at 130 bilyong piso naman ang kapalit.
Ganun din, siguradong me utang na loob si Chiz pati tatay niya kay Luis Villafuerte. Ano kayang kapalit nun, pagmimina ng mga kabundukan ng Bicol?
Sa totoo lang, maraming nag-iisip na bakit walang bagong mukha ng leadership dito sa ating bansa? Wala na ba tayong ibang puwedeng pagpilian bilang pangulo? Yung iba naman, sina Bayani, Gordon at Ebdane, purong jokers lang ang mga ito. Papaganda lang ng imahe para masalba kumbaga ang mga sarili nila.
Ke Perlas ba kamo? Aba eh, magaling din sana siya kung tama ang paniniwala niya. Okey siya sa environmentalism pero hindi lang yan ang dapat na criteria bilang pangulo. Si JC delos Reyes ba kamo na kamaganak din ni Danding?
Isipin mo---halos lahat ng kandidato, anino ni Danding ang makikita mo---ke Chiz, Erap,Noynoy, Gibo at maging kay JC. I'm sure, me deal na rin siya ke Villar. Isipin mo, 130 bilyong piso ang nakataya dyan.
No comments:
Post a Comment
Thank you very much for reading my blog. You inspired me. But if you intend to put your name "anonymous", better not comment at all. Thanks!