I'll write this in Filipino since I don't want Margarito's camp to know this fact about us, Pinoys.
Kung walang 45 caliber pistol si Margarito sa napipintuhong laban niya kontra Pacquiao sa a-14, tiyak nang tutumba ang mayabang na boksingerong ito na galing Mexico.
Ang dahilan? Simple lang--ang bilis ni Pacquiao.
Papaano ba tinalo ng mga Pinoy ang mga dayuhang mangangakop noong unang panahon? Sa mga taktikang gerilya. Ano ba ang taktikang gerilya? Ang maging mabilis sa larangan ng pakikihamok, ang tamaan ang kalaban nang hindi nakikita at ang depensahan ang sarili laban sa mataas at mas may lakas.
May kasabihan ang mga Pinoy---ang mataas na kahoy, tutumba sa mabilis na bagyo. Bagyo si Pacman. Super bilis ang kanyang mga kamao. At may angking lakas ang kanyang mga suntok. Sabi nga ng ilang nakatikim na ng suntok ng taga-Gensan, para bagang kagat ng King Cobra sa lakas at bagsik ang kanyang suntok.
May mga pangambang tila ba nagsasabing likas na welterweight si Margarito at si Pacquiao naman ay hindi. Iyan ang naging obserbasyon ko noong una.
Lehitimo ang pananaw na ito, ngunit magiging isang malaking hadlang lamang si Margarito kung magiging kasing bilis niya si Pacquiao sa araw ng laban.
Kung magagamit ni Margarito ang kanyang taas, ang mas mahaba niyang mga braso at kamay at susuntok siya at iiwas sa mga suntok ni Pacquiao ng mas mabilis kaysa sa Pinoy, tiyak nang hindi tatagal ang laban, at mukhang hanggang ika-limang rounds lamang ang tatagal ng laban.
Kung matalo man si Pacquiao sa laban na ito, hindi ito ang magiging huli para sa kanya. Maaaring magkaroon na ng lakas ng loob si Mayweather Jr. na kalabanin siya. Kung magkagayon, maaaring matuloy na ang pinaaasam ng lahat---ang durugin ni Pacman ang panga ng mayabang na Kano.
Maaari din namang magkaroon ng rematch sa Pacquiao-Margarito fight na magpapainit sa industriya ng boksing.
Kung tutuusin, mas pabor sa boksing kung matatalo si Pacquiao. Kung panalo ulit ang Pinoy, tiyak nang wala nang lalaban pa sa Pinoy. At dyan, unti-unting manghihina ang karera at kapalaran ng boksing sa hinaharap.
Watch Pacquiao Margarito live stream for free at Cowboys Stadium Arlington on November 13 (US time) 14 (Philippines time), 2010.
ReplyDelete