Lumago raw ng siyete puntos ang ekonomiya natin nitong nakaraang taon, ayon ito kay NEDA secretary general Cayetano Paderanga. O, me ganun?
Sinabi ni Paderanga na bunsod ito ng election spending, at paglago ng foreign investments. Ngunit, me catch--hindi pa ito mararamdaman ng taumbayan at siguradong dalawang taon pa ang hihintayin bago maramdaman ang mga pagbabagong dulot ng papagandang ekonomiya. Ows?
Kung gumaganda ang ekonomiya, bakit napakataas ng presyo ng mga bilihin? Bakit super taas ang diesel at gasolina? Bakit tumaas ng piso ang pamasahe at bakit walang pagtataas sa buwanang sweldo?
Ito ang problema sa kapitalismo--kung may pagbabago man, ang nakalalasap nyon ay ang mga dambuhalang kapitalista, hindi ang ordinaryong manggagawa.
Sa totoo lamang, walang magandang naidudulot ang pananatili sa kapangyarihan ng bagong administrasyon. Sa mahigit pitong buwan, wala namang pagbabago.
Ah, mali pala ako--me pagbabago naman: tumaas lahat ng presyo ng mga bilihin at tumaas ng tatlong piso ang presyo ng diesel.
At me nagbago rin---inutil sa lahat ng ito ang pamahalaan.
No comments:
Post a Comment
Thank you very much for reading my blog. You inspired me. But if you intend to put your name "anonymous", better not comment at all. Thanks!