I always look at this photo. Fact is, this is framed in my house, near my workstation for me to remember one thing---they died and sacrificed their very family so that millions of Filipino families will live. What about you? What have you done for your country?
Their time were spent defending the rights to life of others. They probably were not the greatest parents. Ninoy probably forgot to be the best dad and Cory, probably, not the best mom.
But when it comes to the welfare of the many, when it comes for fighting for what is right, and when it comes for correcting the errors of History, these two souls, Ninoy and Cory were forever there, with us, struggling.
A poem, for this great and wonderful couple.
Piping saksi ang mga larawang ito.
Nang humarap sina Cory at Ninoy, bahagi ito ng kasaysayan ng Inang Bayan.
Dalawang kaluluwang nangarap ng magandang buhay hindi para sa kanila, para sa iba.
hindi sila alipin. hindi sina panginoon.
bahagi sila ng mga mayayamang angkan.
maaaring isang maaliwalas na buhay sana
ang napasakanila
ngunit kanilang piniling
tahakin ang landas ng mga hampas-lupa.
ilan s atin ang makapagsasabing
isinasakripisyo natin ang ating mga sarili
para sa Inang Bayan?
ilan sa atin ang tunay na nagbuwis ng
buhay at kapayapaan kapalit ng
karahasan sa ngalan ng Inang Bayan?
at ilan sa atin ang makapagsasabing
nabuhay tayo ng marangal at may
paninindigan?
walang yamang makahihigit sa
pagsisilbi sa Inang Bayan.
walang yamang mas higit pa sa
pagiging tunay na Bayani ng
sambayanan.
si cory at si ninoy,
pamilyang Pinoy.
Pamilyang tunay na may pagmamahal
sa naghihikahos na Inang Bayan,
si cory at ninoy.
tunay na pinoy
parang si Andres Bonifacio at ang kanyang asawang
si Gregoria de Jesus,
tunay na mga bayani.
tunay na kayamanan ng bayan.

No comments:
Post a Comment
Thank you very much for reading my blog. You inspired me. But if you intend to put your name "anonymous", better not comment at all. Thanks!