" Hon, buko tayo. Nakita na ng lahat how healthy I am. " |
The public saw otherwise. Hindi tanga ang taumbayan. Kitang kita sa mga eksenang naganap sa NAIA ang isang malusog na Ginang Arroyo at ang kayabangan ng dating First Family.
Kitang kita ng taumbayan kung papaanong nais gamitin ng mga Arroyo ang kapangyarihan upang maipatupad lamang ang kanilang naising takasan ang kamay ng katarungan.
Mayroong prosesong sinusunod ang pamahalaan sa pagpapatupad ng batas. Ang eksena kagabi ay pagpapakita lamang ng matamang pagsunod ng administrasyon sa mga umiiral na batas at procedure. Walang masama kung hintayin ng mga Arroyo na makuha muna ng pamahalaan ang kopya ng TRO ng Kataas-taasang Hukuman bago maghain ng mosyon ang departamento ng katarungan upang alisin na sa watch list order ang mga Arroyos.
Kataka-taka ang pagmamadali ng mag-asawa na umalis ng bansa. Bakit sila kating-kating magtungo sa ibang bansa? Dahilan ba ito sa takot o dahil mayroong plano ang mga kapanalig nila na manggulo upang maibalik sila sa kapangyarihan?
Hindi papayag ang taumbayan sa panunumbalik sa kapangyarihan ng mga Arroyo. Tiyak na magkakamatayan tayo kung iginiit ng mga Arroyo ang kanilang mga sarili.
Tama na ang siyam na taong pahirap. Tama na ang siyam na taong kawalang katarungan at kadiliman. Wala sa hulog ang mga Arroyo na humiling ng paggalang sa kanilang mga karapatan samantalang halos isang dekada nilang pinagkaitan ng karapatan ang taumbayan.
No comments:
Post a Comment
Thank you very much for reading my blog. You inspired me. But if you intend to put your name "anonymous", better not comment at all. Thanks!