Wednesday, October 24, 2012

A Poem to B

Hindi kayang hawiin ng kahit anuman
ang kalungkutang aking nadama
nang malaman kong may dinadamdam ka
at kasalukuyang nangungulila

damang dama ko ang sakit
sa mga text mo ngayong umaga
naiimagine ko pa lang, kirot na ang
sumuot sa puso ko dre
sa hirap na nadarama mo ngayon...

anong feeling nung
batid mong mawawala sayo
ang pinakamamahal mo?
na bawat segundo ng buhay mo'y
inialay mo sa kanya
ngunit kukunin na rin pala
ilang panahon na lang mula ngayon...

ano kayang mararamdaman kung
sa akin nangyari yan?
noon ngang nawala ang lola ko
parang nanghilakbot ang mundo ko
wala sa aking plano
ang makita siya sa nitso
noong kabataan ko
ipinangako kong ako muna bago ang lola ko

ako'y lumuluhod at nagmamakaawa
na bigyan ka ng AMA ng sandaling ligaya
na proteksyunan Ka Niya't alagaan
sa mga panahong ikaw'y gulong gulo
at hindi mo malaman ang gagawin...

dasal ko sana'y umabot sa tainga ng Maykapal
please lang ho, habaan mo pa ang buhay ng asawa ng aking kaibigan!
pagalingin mo siya sa kanyang karamdaman!
aluin mo siya kada may kirot, may hapdi, may pait

O kay pait ng buhay!
ito ba ang pagiging tao
na ang buhay mo'y parang shadow?
na mawawala unti-unti at nariyan lang
bunga ng liwanag?

O mahabaging AMA, tulutan mo ng kaunting ligaya
ang kaibigan ko sa kanyang panahon ng lungkot at pagtitiis
dama ko rin ang mawalan ng pinakamamahal ngunit
huwag mo po sanang hulagpusin
ang lubid ng pagmamahal niya
mula sa lupa ng pagibig!

itula mo ang mga sakit
pawiin ang mga hapdi
iwaksi ang lupit
saksi ang Ama sa iyong paghihirap
bunga ng pagmamahal mo sa iyong asawa.

O kaibigan ko, magpakatatag ka!
Huwag kang bibitiw sa paniniwala
sa Amang Banal na nasasa iyo'y nakatingin
at iyong kaibigan mong
naririto lamang sa tabi handang aluin ka
sa panahon ng iyong mga hikbi.

Amen.

1 comment:

Thank you very much for reading my blog. You inspired me. But if you intend to put your name "anonymous", better not comment at all. Thanks!