Para sa ating Pangulo, ang usapin ng pambababoy sa ating mga buwis ay isa lamang bahagi ng kanyang ipagmamalaking State of the Nation. Kumbaga, bahagi ng propaganda.
Para sa ating mga Pinoy, ang pambababoy ng mga garapatang politiko sa ating kaperahan ay isang kasalanang walang kapatawaran.
Ipinagmamalaki ng ating pamahalaan ang maganda at gumagandang ekonomiya, ngunit pansinin sa mga pamayanan ang lumalawak na hanay ng mga naghihirap na pamilyang hanggang sa ngayon ay binibigyan ng mumo ng ating pamahalaan kapalit ng kanilang pananahimik sa mga isyung pambayan.
Propaganda para sa isang hungkag na pamahalaan, samantalang isang masangsang na kasalanan naman para sa ating mga mamamayan.
Ang mga garapatang pulitikong ito ay para bagang mga kulisap na unti-unting kumakain at pumapatay sa mga niyugan ng mga magsasaka. Ang mga niyugang ito ay mga institusyong itinayo ng Sambayanan na unti-unting nilalamon ng mga hinayupak na mga garapatang ito na pinapataba mismo ng sambayanan mula sa kanilang pinagpawisang buwis.
Isang malaking kasalanan kung palalampasin natin ang pagkakataon sa pagbabago.
Panahon na para sa ating mga kinakawawa ng mga garapatang ito na kumilos at tirisin sila. Walang ibang paraan kundi ang baguhin ang sistemang nagpapahirap sa ating lahat na Pilipino.
No comments:
Post a Comment
Thank you very much for reading my blog. You inspired me. But if you intend to put your name "anonymous", better not comment at all. Thanks!