Hindi ko alam kung anong utak meron ang mga tagapangasiwa ng Kagawaran ng Edukasyon. Pinayagan nilang tapyasan ng mga guro ang mga pribadong kolehiyo sa pamamagitan ng pagpayag na huwag nang ipaturo ang Pilipino sa mga mag-aaral.
Sabi nga ng ating mga ninuno, utak dayuhan, utak biya. At iyan ang utak ng mga opisyales ng Kagawaran ng Edukasyon.
Hindi na rin ako nagtataka dahil sa anong unibersidad ba galing ang pinuno ng kagawarang ito? Hindi ba sa isa sa mga kumikitang kolehiyo sa ngayon?
Tanga at utak biya at bakit kamo? Mismong ang Pangulong Aquino sa halos lahat ng kanyang mga pahayag ay gumagamit ng Pilipino. Anong dahilan at bakit ipapagkait sa mga Pilipino na matutunan niya ang mas mataas na antas ng kaalaman hingil sa kanyang sariling wika?
Hindi ibig sabihin na natutunan na niya ang Pilipino sa haiskul ay sapat na ito upang hindi na niya matutunan pa ang mas mataas na aralin sa kolehiyo hinggil sa Pilipino?
Bakit ba ipilit alisin ang Pilipino bilang sadyek sa kolehiyo? Simple lang. Pumapayag ang Kagawaran ng Edukasyon sa pag-alis sa araling ito bilang bahagi ng cost-cutting ng mga unibersidad. Higit anupaman, ang motibasyon ng DEPED, LALO NG CHED ay mabigyan ng rason ang mga pribadong paaralan upang makapagtanggal ng mga guro.
Kita, at hindi kapakanan ng mag-aaral ang naging dahilan sa pagpayag ng Ched sa balaking it.
No comments:
Post a Comment
Thank you very much for reading my blog. You inspired me. But if you intend to put your name "anonymous", better not comment at all. Thanks!