Monday, September 25, 2017

Pulot nakita sa Amerika

Sabi ng taga suporta kay Malia nagpunta
bakit ang pulot nakita sa amerika
inimbitahan daw ng unang ginang
para sumama sa gala.

yun pala, ang totoo ay desperado
si pulot na makakuha ng bulto
gamot ni berdugo sa apto
malala na raw kasi ito.

at nagdagdag pa ang loko
sinamahan ng droga sa ulo
kasi naman daw di makatulog
nagwawala sa sakit at me deliryo
lalo na pagdating ng alas-singko.

sumama ang timpla
nang mabuking ang bilyones sa bangko
ang hindi alam nitong berdugo
malapit na tong maging singko.

chase manhattan yata idinaan
sa pangalan ng girlfriend businesswoman
ipinarte at dineposito
sa numbered account sa Oslo
mayroon din naman sa dagat atlantiko
duon ba sa mga islang puno ng negro?

gayun din naman natagpuan
tagong mga kaso laban sa pamunuan
nang kanya mismong linagutan
hininga ng isang kabataan.

kaso itong pinagkatago-tago
pero buking ng mga amerikano
alam na rin ito ng mga pulitiko
dito sa bansang ito.

naging instrumento pa
kaibigan nitong si imbento
na sa pagiging tsimoso
ibunuko bakit si pulot
nasa ibang ibayo.

heto pa ang siste
naloko na ang kukote
nang sabihan ng eksperto sa korte
malapit na siyang kainin ng kabute.

malala na nga si lolo
hindi na makuha sa medisina o
nangangarap pa namang makita
ang anak na pumalit sa kanyang trono
baka siguro
tingin niya sa pangulo
para lang mayores
sa Davao, ano?

tama nga ang Ama
paluluhurin Niya ang mga nagsasamantala
sa bigay Niyang kapangyarihan sa kanila
isipin mong palagi raw nagmamalaki
ang berdugo sa kanyang mga katabi
Dios daw ay hindi siya kaya
dahil isang utos daw niya
may mamamatay sa balana.

nang sabihin daw niya ito
sumugod si pulot dala niya'y gamot
hayon, nahimas himasan ang dugyot
kumalma at napa utot.
tawa naman ang mga suminghot
na kahit na mabantot
at least presidential
utot.

mayroon ding mga gabi
na binangungot at nagsabi
nakita raw niya ang kanyang Ina
galit daw sa kanya
dahil dinumihan niya ang
kaisa-isang pangalan ng ama.

naku, marami pa akong kwento
kaya lang ihinto muna natin ito
kailangan ko nang magtrabaho
sa muli, basahin mo ang susunod na
kwentong totoo.




No comments:

Post a Comment

Thank you very much for reading my blog. You inspired me. But if you intend to put your name "anonymous", better not comment at all. Thanks!