May kaklase si mayor
bilyonaryo na raw noon pa
madami raw pera
di daw tiwali gaya ng iba.
gannon ba? eh bakit nasa gobyerno pa
among interes Aniya sa lupa sa bulakan
na siya niyang nais gawan
terminal para sa mga bus sa lalawigan?
kaututang dila diumano
niya ang may hawak ng titulo
yun pala iba eh dili't iba kundi si mayor
ang makikinabang sa proyektong ito.
ang masama, ang kaawa-awa
mga pasahero't biyahero
maglalakad ng kalayo-layo
makasakay lang bus sa Metro
dagdag pasanin ng mamamayan
kung dun sa bulakan ipagpilitan
central bus station ng kamaynilaan
parusa sa mga mamamayan.
pero, ang siste daw eh
bilyones ang usapan.
aba eh dapat hindi ka na intersado dyan
ha, kaklase ni mayor na mayaman?
eh, makinang na makinang aniya ang lagay
kaya naman hanggang gabi hindi mapalagay
kay yabang pa noo'y itinuran
lagot daw sila kundi masimulan
proyecto laban sa trapĂko ng bayan.
mayabang itong mama
pag umasta tulad ng amo nya.
kung magsinungaling gayon na lamang
dilang magaling
regalo ni Taning.
No comments:
Post a Comment
Thank you very much for reading my blog. You inspired me. But if you intend to put your name "anonymous", better not comment at all. Thanks!