Hindi matatawaran na mayroon ding mga bagay na maganda na naganap noong kapanahunan ng batas militar o diktadurya sa ilalim ni dating Pangulong Ferdinand Marcos. Ang hindi batid ng karamihan, sa panahong mayroong seryosong banta sa pamahalaan noon sa 1971-1972, mayroon ding nagaganap na tunggalian sa Thailand at ngayon ay Myanmar. Banta ng Komunismo ang nagpakilos sa pamahalaan ng Thailand upang ideklara ang batas militar.
Maaaring sabihing ang deklarasyon noon ng batas militar ay bahagi ng isang malawakang kilusin sa Timog Silanganang Asya laban sa pagkalat ng komunismo.
Gayunpaman, ang isang tanong lamang ay kumpara sa kaganapan sa Thailand, seryoso ba ang banta sa seguridad noon? Sa taya ng pamahalaan, wala pa sa dalawang daan ang bilang ng mga rebeldeng Komunista. hindi sapat ang kanilang kasangkapang militar at kahit na seguro mayroong suportang Tsino noon sa CPP-NPA, hindi pa rin ito isang puwersang maaari at seryosohang banta sa estado.
Kaya naman, hindi maaaring mabigyang hustisya ang pagpapalawig ng batas militar ng taon dahilan lamang sa banta ng komunismo. Hindi pa man natatapos ang dekada 70's, halos nadakip nang lahat ang mga lider komunista at sa ganung batayan pa lamang, dapat sanang itinigil na ang batas militar.
Ngunit hindi. Nakita ni Marcos ang kaigihan ng batas militar para sa kenyane pansariling kapakanan. Pinalawig ito upang banatan hindi lamang ang kanyang mga pulitikal na kaaway kundi na rin nagamit upang kamkamin at pahirapin ang kanyang mga kaaway sa negosyo.
May kasabihan tayong mga Pilipino--- ang naghahangad ng malabis, kadalasa'y sumasabit.
Nilikha ni Marcos ang isang conjugal dictatorship, isang pagmamalabis sa kanyang kapangyarihan. Sa pag-iisip ni Marcos, kanya ang buong Pilipinas maging ng mga likas na yaman nito. Kaya walang pakundangang sinira ang kapaligiran at niyurakan ang mga karapatan naman ng mga mamamayan.
Wala mang giyera, naranasan ng mga Pilipino na pumila ng bigas sa mga rolling stores, ang bumili ng mga produktong sobrang taas ang presyo, ang ituring na Mickey Mouse money ang piso at ang ilan pang mga bagay na sa Ngayon, ay nararanasan natin.
Kaya huwag tayong magpapaka tanga. May aral ang ating kasaysayan. Huwag balewalain ang mga palatandaan sapagkat iyan ay ibinibigay sa atin ng Dios upang hindi na muli nating gawin ang kamalian.
No comments:
Post a Comment
Thank you very much for reading my blog. You inspired me. But if you intend to put your name "anonymous", better not comment at all. Thanks!