Thursday, October 22, 2009

Dalawa na lang ang manliligaw ni Loren Legarda


Tulad ng isang "mahinhing" Filipina, isa-isa nang sinasabihan ni Senadora Loren Legarda ang kanyang mga masusugid na manliligaw ng kanyang mapait na "sorry". Ligawin si Loren, hindi lang dahil sa kanyang angking kagandahan, kundi na rin sa kanyang angking Mass appeal. Kahapon, sinabi ni Loren na ayaw niyang makatambal si Lakas-KAMPI presidential candidate Gilbert "Gibo" Teodoro. "Mananatili ako sa oposisyon," ayon kay Legarda na patuloy na nakikipag-usap sa iba pa niyang mga manliligaw tulad ni NPC presidential bet Chiz Escudero at Nacionalista Party Manny Villar. Dalawa na lamang ang natitirang manliligaw ni Loren. Sino kaya sa kanila ang pipiliin ng magandang senadora?

Parehong may asawa ang dalawa, kaya naman mananatiling number two sa puso nila si Loren. Sa halalan, obvious namang pangalawang "asawa" lang siya ng dalawa. Malakas ang ugong na siya na ang partner ni Villar. Pero, ilan naman ang pinipilit si Chiz na maging number two siya.

Sino kaya ang pipiliin ni LOren? Abangan sa araw na ito.