Wednesday, November 16, 2011

Gloria Arroyo---hindi bulag ang taumbayan sa iyong kasinungalingan!

HUMAHAGIKGIK AKO SA KATATAWA HABANG UMAAPELA ITONG SI RAUL LAMBINO AT MAGING SI ELENA HORN, MGA TAGAPAGSALITA NI DATING PANGULONG ARROYO NA MAKIISA ANG TAUMBAYAN SA KANILA SAPAGKAT ANG LABAN DAW NI GLORIA, AY LABAN NG MASA.

EXCUSE ME, PERO, YANG LABAN KAMONG YAN AY HINDI LABAN NG TAUMBAYAN KUNDI ISANG PERSONAL NA LABAN NG MGA ARROYO NA MAY HALONG KATAKUTAN AT KATATAWANAN.

ANG TRO NA IPINALABAS NG KORTE SUPREMA AY TRO NA HINILING NI GLORIA UPANG MAKA ESKAPO SIYA AT MAKATAKAS SA KANYANG NAKATAKDANG KAPALARAN---ISANG KAPALARANG NAKALINYA SA KULUNGAN.

NATANTO SIGURO NG MAGASAWANG KAWATAN, ESTE, MAG-ASAWANG ARROYO NA SERYOSO ANG PAMAHALAAN NA ITAPON SILA SA KULUNGAN, ISANG NAKAPANGHIHILAKBOT NA EKSENA LALO NA SA ISANG GLORIA ARROYO NA ANG TINGIN NIYA SA KANYANG SARILI AY ISA PA RING MALAKAS NA PWERSANG POLITIKAL.

NAG BACKFIRE ANG KANILANG MALA DRAMANG EKSENA SA NAIA DAHIL SA NAKA-ANGLA ITO SA ISANG KASINUNGALINGAN. HINDI NILA MAUUTO ANG TAUMBAYAN.

HABANG NAGPUPUMILIT SILANG MAGING KAAWA-AWA SA MATA NG TAUMBAYAN, UNTI-UNTI RING UMIIMPIS ANG KANILANG KAPANGYARIHAN.

ITONG NAKIKITA NATIN NGAYON AY ANG HULING HINGALO NG DATING MGA MAY KAPANGYARIHAN.

ISANG HINGALONG MAY HALONG TAKOT SA KANILANG KASASAPITAN SA MADALING PANAHON.