Ang depensa ng Malakanyang sa multi-milyong pisong gastos sa dinners ni Mrs. Arroyo sa New York at Washington eh ang balik daw nito sa atin sa pamamagitan ng foreign investments.
Meron bang balik sa atin yung kinain nilang steaks, oysters at ininom na wine sa David Bouleys, Le Cirque at Bobby Van's steakhouse kundi dumi? Sila-sila ang kumain sa mga expensive restaurants na ito at wala namang kausap na foreign investors si Mrs. Arroyo nang gumastos siya ng milyong piso sa Le Cirque at Bobby Van's? Kumbaga, pumasok lang sa bunganga nila yung pagkain at pagka uwi nila dito, inilabas lamang nila sa toilet.
Gamitin na natin ang wikang kanto, pero ito ang totoo. Tignan din natin yung website ng National Statistics Coordination Board gayundin ang sa Bangko Sentral. Makikita duon ang pababang antas ng pamumuhunan sa bansa. Halos mumo na nga lamang ang pumapasok na dayuhang kapital sa bansa at hindi ito dahil sa Konstitusyon, kundi ang kawalang piyansa ng mga dayuhang kapitalista sa katatagan ng ating ekonomiya.
Gayundin naman, ang umiiral na hindi patas na investor environment at ang talamak na katiwalian sa gobyerno ang mga bagay na siyang direktang kadahilanan ng mahinang pasok ng puhunan.
Walang balik sa atin ang mga multi-milyong hapunan na ito kundi kahihiyan. Sa kabila ng pagtitipid ng pinaka makapangyarihang ehekutibo sa daigdig, yaong siya pang pinaka mahirap sa Asya ang magarbo pang namumuhay. Kaya naman, nakakawalang gana talagang mapakinggan ang mga depensa ng mga spokesperson ni Mrs. Arroyo. Talagang mahirap depensahan ang kawalang kahihiyan.
Ang gusto ba nilang sabihin may karapatan silang gawin yun dahil may naiiuuwi naman silang mehoras? E di para na rin silang nangumisyon sa transaksyon! di ba krimen na din yun?
ReplyDelete