Sunday, August 9, 2009

Arroyo & Her Dinner Buddies Committed a Crime

Hindi lamang kahiya-hiya kundi lumabag pa sa batas si Gloria Arroyo sampu ng kanyang mga alipores nang magpakita sila ng thoughtless extravagance in expenses for pleasure or display during a period of acute public want or emergency" na nakasaad sa Article 25 ng Civil Code gayundin sa Republic Act 3019 nang nagpista sila sa Le Cirque restaurant sa New York na naitaon pa sa pagluluksa natin sa pagkamatay ni Tita Cory.

Ah ha, so the story goes that it was Representative Martin Romualdez who allegedly put the $ 20,000 bill for that ostentatious dinner at the Le Cirque restaurant in New York. Presidential tell-tale Cerge Remonde said that it was a "casual dinner, no partying" while another Cong. Danilo Suarez said the place was "not fashionable."

Tangekngek talaga ang mga taong ito. And I'm really not entirely surprised that they really don't know the issue. Or, nagtatanga tangahan na lang o talagang ogag na.

Cerge, iho de cono ka, wala kaming paki-alam kung casual dinner o nagkaroon kayo ng party dun. Ang isyu eh, bakit kayo nag lustay ng mahigit isang milyong piso para sa pagkain ninyo dun. Ang daming puwedeng kainan, pagkain ninyo pa lang sa Waldorff Astoria, yang hotel ninyo ng boss mo, maganda na riyan. Bakit pa kayo tumawid at nagpunta sa Le Cirque?

At para pala sa inyo, ang "casual" eh, aabutin na ng isang milyon. Pano pa kung may party? Ibig mo palang sabihin iho de cono ka, na mas higit pa sa milyon ang ginagastos ninyo pag nagpapartihan kayo? (get the double entendre--party at partihan? :-)

At kung talagang sinagot ni Martin Romualdez yang dinner na yan, ano naman kaya ang kapalit
niyon? Ganun na ba kayaman si Romualdez na sa kabila ng paghihirap at kagutumang nararanasan ng kanyang mga kababayan sa Leyte, ay gayon na lamang siya magtapon ng pera?

Sinasalamin lamang nito ang kawalang puso ng ating mga opisyales de gobyerno sa ating mga kapakanan.

3 comments:

  1. Kung hapones ang mga iyan, malamang harakiri-sepuku ang katapat para mabawi nila ang kanilang mga mukha sa tao. pwede ba imungkahi sa kongreso na mag-pasa sila ng batas na pwede tanggalan ng "citizenship" ang ganitong mga klase na opisyales? o kaya naman lapatan ng parusang "destierro" sa lupain ng mga abu sayaf!

    ReplyDelete
  2. nkakahiya na talaga. nakakasuka pa. mga walangya.

    kaswalan nila ay malaswa. tsk

    ReplyDelete
  3. carlos, citizenship dito ay you're born with it, hehehe. pero, i think it can be done. tanggalan ng citizenship ang mga taong yan.

    ReplyDelete

Thank you very much for reading my blog. You inspired me. But if you intend to put your name "anonymous", better not comment at all. Thanks!