Tuesday, August 25, 2009

My dear Gloria letter

Dear Madame Gloria,

Hello. Tagal na din akong hindi sumusulat sa iyo. Dahil sa tagal, hindi ko na nga alam kung anong sasabihin ko sa daming problemang ginawa mo sa bansa ko. At alam kong dapat maikli lang ito dahil tiyak kong nag-aayos ka na naman ng mga bagahe mo dahil sa London at Saudi Arabia na trip mo.

Sana naman natuto ka na na dapat magtipid pag me byahe ka abroad. Maging sensitibo ka naman, kami nga dito, wala nang makain tapos magpipiyesta kayo sa abroad, gamit pa ang pera namin. Sana naman pagtungtong mo sa London, huwag mo nang gamiting pang shopping at pangkain sa restaurant yung pera namin. Mahiya ka naman kahit pano. Hindi mo naman pinaghirapan yan. Alam kong maraming designer and branded shops dyan. Wag mo sanang lustayin sa pagbili ng Mango o Ferregamo ang bawat pisong dala mo. Wala ka na ngang binabalik kahit singkong duling sa gobyerno, gagastahin mo pa perang hindi sa iyo.

Kumpiyansa ako pag tumuntong ka na sa Saudi okey yun dahil dun walang Le Cirque, o Bobby Van's steakhouse or Bouley's. Lalo na ngayon, Ramadhan. Ewan ko nga kung pakakainin kayo dun. At least nakatitiyak akong gugutumin ka ng Sheikh dun. Sana kahit pano, pag nagutom ka dun, maalala mong araw-araw kaming ganyan ngayon.

At pagbalik mo rito, sana alalahanin mong sa kakarimpot na panahong nandyan ka sa palasyo, makaisip ka na ng kaunting pagbabago sa istayl mo. Huwag mo nang itusan yang mga galamay mo na dayain ang eleksyon. Tama na yung nandaya ka noong 2004. 2009 naman ngayon, baka pag ginawa mo pa the second time, mag-alsa na talaga kaming mga tao.

Tama na rin siguro yang pangarap mong maging number 1 most powerful woman in the world. Okey na rin sana sa iyo na ranked 44 ka na lang. Kahit naman ikaw ang pinaka powerful, hindi mo naman magagamit yan pag humarap ka na kay Satanas dun sa impiyerno.

Sabi nga ni Jesus, the most powerful among you should also be the first servant. Sana maisip mong may responsibilidad ang bawat taong inatangan ng kapangyarihan. At hindi dapat gamitin yan para sa pansariling interes. Baka wala na talagang taong pupunta sa lamay mo at magpaparty na lang lahat kami sa burol mo.

Okey, yun lang. Sana naman natuto ka na. Dahil kung hindi, pasensiyahan na lang tayo. Hindi mo naman kami mababayaran tulad ng ginawa mo nuon sa mga kasamahan namin.

Warm regards,

Pat Mangubat
("Pat" means People's Action against Tyranny)

1 comment:

  1. i believe they'd control the expenses, considering na inulan talaga sila ng napakalaking batikos sa nakaraang trip sa US.

    mahiya sana.

    ReplyDelete

Thank you very much for reading my blog. You inspired me. But if you intend to put your name "anonymous", better not comment at all. Thanks!