Friday, August 7, 2009

Palasyo di takot sa milyong-milyong tao ni Cory


Hindi daw takot ang Malacanang sa dami ng taong dumalo sa funeral march para kay Pangulong Cory Aquino noong Miyerkoles.
Sabi ni Presidential spokesperson LoreLIE Fajardo, hindi daw takot si Mrs. Arroyo dahil pagpapakita lang daw yun ng malaking pagmamahal ng mga tao sa dating pangulo.
Yun daw milyun-milyong dumating duon ay hindi daw banta sa masama at mala demonyong rehimen ni Arroyo. Patuloy daw silang mamumuno sa gobyerno.
Asa ka pa Lorelie. darating din ang araw, at malapit na malapit na, na tatapusin na ng taumbayan ang kasamaan, kabulukan at kabalintunaan na simbolo ng pamamahala ng boss mo. Gising na ang taumbayan at lahat kami, gusto na ng kabutihan. Sa pagkamatay ni Cory, umuusbong na ang puwersa ng demokrasya.

No comments:

Post a Comment

Thank you very much for reading my blog. You inspired me. But if you intend to put your name "anonymous", better not comment at all. Thanks!