Habang nag fe Facebook ako, may isang friend na nagyayang matulog. Na curious ako. Tulog? Kaya nga ako nagfe Facebook para iwasang matulog. At pano kung matulog, hindi nako makakapag Facebook.
Parang kasabihan yan na masarap may kayakap pag umuulan. Ang maganda sa kasabihang ito, hindi identified kung sino o ano ang kayakap mo. Pwedeng unan, lalo na dun sa walang asawa o kabit o dyowa. O pwde ding kayakap mo ang laptop mo, hindi ka na nga lang makakapag Facebook.
Sabi nga ng Facebook friend ko nung nagtatanong ako bakit masarap ang goto pag me bagyo, mainit kasi ang goto. Bakit? Hindi ba araw-araw tayong kumakain ng mainit na ulam at kanin, lalo na marami sa atin ang me paborito ng tinola? Anong pinagkaiba nun at bakit maraming Pinoy ang kumakain ng goto pagka me bagyo?
Tingin ko, nakagawian na ang pagkain ng goto dahil, sa kasaysayan, lahat siguro tayo, napunta sa evacuation center. Hindi ba, dun, goto lang ang kinakain? Baka tumatak sa genes natin o sa kaisipan natin na pag me bagyo, goto ang dapat kainin?
Silly me, kahawig din yan ng kasabihang masarap me kayakap pag umuulan. Hindi ba sa evacuation center, tabi-tabi ang mga nasalanta at magkakayap? Baka yan ang pinagmulan ng kasabihang masarap me kayakap pag me bagyo. Wag lang sigurong kayakap ang kamukha ni Max Alvarado.
At special effort kung kakain ka ng goto. Kailangan mong bumili ng malagkit, pati yung budbod na ang tawag ay ewan, nakalimutan ko. Special effort din ang maghanap ng makakayakap pag me bagyo, lalo na dun sa walang appeal at laging basted.
Ayokong sabihin yan kay Ginang Arroyo--na masarap may kayakap pag me bagyo o okey na kumain ng goto pag umuulan. Tiyak hindi niya magugustuhan.
Sa Disyembre, maghahanap ng kayakap si Ginang Arroyo dahil lahat ng gabinete niya, tatakbo. At malamang, ayokong marinig niya ang salitang goto dahil sanay siya sa French soup. Pagka binanggit ko sa kanya ang goto, maaalala niyang yun ang mga pagkain ng mga preso. Baka, ma paranoid yun at magdeklara ng kung ano ano.
No comments:
Post a Comment
Thank you very much for reading my blog. You inspired me. But if you intend to put your name "anonymous", better not comment at all. Thanks!