Kagabi, kausap ko si Carlos Martel. Pilit niyang pinatataas ang pag-asa ko. Kahapon, sa unang araw ng Septiembre, nagkatotoo agad ang isinulat ko---na magsisimula sa pagluha ang Sambayanang Pilipino pagdating ng Septembre. (September Mourn).
Nasimulan ang araw ko sa pagdalo sa ZTE-NBN hearing ng kaibigan kong si Joey de Venecia III. Sa kabila ng pag-urong ng karamihan sa kanyang mga taga-suporta at kaibigan, nananatili akong kaibigan niya. Hindi ko siya iiwanan. Hindi ako tulad ng iba na parang pulubing naka-umang ang kamay dahil siya'y isang De Venecia.
Kaibigan ko si Joey dahil nasasa panig siya ng katotohanan. Naniniwala ako sa kanya, dahil sa isang panahon, naranasan ko ang naranasan niya na maakusahan ng isang bagay na hindi ko ginawa.
Sa unang pagkakataon, nakita ko ang isang kaibigang nabaliktad ang mundo. Imbes na purihin dahil sa kanyang expose, si Joey pa at si Jun ngayon ang gigisahin ng pamahalaan. Kung sino pa ang naglantad ng katotohanan, sila pa ngayon ang inakusahan.
Ito talagang si Senator Richard Gordon, nagpapagamit kay Mike Arroyo. Magkano kaya ang magiging kapalit ng pagtataksil na ito ni Gordon? Kitang kita ko ang mukha ni Gordon matapos ang hearing. Halatang pilit niyang ginagawan ng rason kung bakit kailangang sampahan ng kaso sina Joey.
Pagkatapos ng hearing, agad naman akong nagpunta sa Club Filipino. Alas-kuwatro pa lang, alam na ng ilan kung ano ang idedeklara ni Mar. Pero, half-believing pa ako.
Pero, nang ideklara na ni Mar ang kanyang pagsuporta kay Noynoy, naawa ako sa kanya. Hindi ko maintindihan bakit naman ke aga-aga niyang bumigay samantalang hindi pa naman talaga siguradong may puwersa o lakas nga si Noynoy para bakahin ang mga higanteng sina Erap at Villar.
Ramdam ko ang sakripisyo ni Mar at tiyak kong nabaliktad din ang kanyang mundo. Naalala ko, naroroon pa ako sa kanyang piging sa Balai noong isang taon at lahat ay suportado ang kanyang kandidatura. Naroroon pa nga si Noynoy. Naka ututang dila ko pa siya habang nagyoyosi ako. Hindi ko akalaing siya pala ang papalit kay Mar bilang standard bearer ng partido.
Sana hindi pa muna bumigay si Mar....Sana naghintay pa siya ng kaunting panahon.
Wala na rin si Ka Erdy Manalo, siyang ilaw at tagapagtaguyod ng nasimulan ng kanyang ama dito sa Pilipinas. Masaya ako at kasama na niya ang AMA, inaalagaan siya at tiyak ko sa araw ng paghuhukom, makakamtan niya ang korona ng tagumpay. Na sa kabila ng kanyang pagpapagal bilang tagapagpalaganap ng tunay na aral mula sa Dios AMA, mayroong ligayang naghihintay sa kanya.
Paalam ka Erdy. At naniniwala akong malapit na nga ang paghuhukom, nasasa trankahan na ng ating mga pintuan. Sabi nga ng mga Aztecs, sasapit ang huling araw sa sandaling bumaliktad na ang mundo.
Kahapon, nagsimula na yun.
Patricio, tama lang na kasuhan din sila Joey at Jun. They were in the middle of the muck and they're portraying themselves as what? Heroes?
ReplyDeleteAw! Come on!
The accusation you leveled against Gordon is unfair and uncalled for.