Friday, September 25, 2009

Senator Manny Villar magpaka totoo ka at harap ka na sa Senado


Mayroon akong challenge kay Nacionalista Party presidentiable and billionaire Senator Manny "Sipag at Taga" Villar.


Kung ala ka talagang tinatago, pare ko, tungkol diyan sa C-5 road controversy, puwede bang pagbigyan mo kami at humarap ka sa Senate ethics hearing mo? Binabastos mo kami, Manny dahil ibinoto ka namin (ako binoto kita at frat brother ko ang kapatid mo) at may accountability ka sa mga bumoto sa iyo na ipaliwanag ng mabuti ang side mo sa Senado.


Huwag kang magtago sa saya ng BIR, dahil, sa palagay mo, maniniwala kami sa pagdepensa sa iyo ng BIR? Syempre, sa ganyang kalaking anomalya, me sabwatan na sa pagitan ng BIR pati na mga taong sangkot dito.
We're not born yesterday Manny. Hindi ganun kadaling maloko ang taumbayan. Kung sa Las Pinas ay nagagawa mo ang gusto mo, dito, sa larangang sinuungan mo, hindi ganun kadali ito, pare ko.
Pareho tayong taga-Tondo. Laking Tondo din ako. At alam kong alam mo na me batas tayong sinusunod sa Tondo---magpaka totoo ka. At huwag na huwag mong pagnanakawan ang kapitbahay mo.
Huwag mo ring gamitin ang alibi na ang lahat ng ito ay pulitika. Hindi pulitika ang tanungin sa iyo bakit 10 beses mas mataas ang ari-arian mo dun. Hindi rin pulitika ang tanungin ka bakit sa kabila ng pagbabawal ng batas sa mga senador na tulad mo na mag endorso ng mga proyektong may direkta kang pakinabang.

Manny, hindi yan pulitika kundi ethics yan at pagtatanong kung bakit ka lumabag sa saligang-batas. Ibig sabihin ng ethics, Manny, eh, delicadeza.
Pera namin yung napunta pambayad dun. At me karapatan kaming tanungin bakit overpriced ang proyekto mo.
Gumagamit ka na ng impluwensya dyan, Manny. Hindi na tama yan. Humarap ka sa Senado, wag lang sa midya. Kundi, tiyak matatakot kami kung maiboto ka at nandun ka na sa palasyo. At alam mo naman, sa ating mga taga-Tondo, pag takot tayo, iba ang nagagawa natin.

2 comments:

  1. natatakot lang yang magisa sa sariling mantika....

    ReplyDelete
  2. Natatakot lang yang magisa sa sariling mantika kaya duwag humarap ....

    ReplyDelete

Thank you very much for reading my blog. You inspired me. But if you intend to put your name "anonymous", better not comment at all. Thanks!