Labanan natin ang batas militar. Hindi dahil galit tayo kay Gloria, kundi mali talaga ang kanyang ginawa.
Labanan natin ang batas militar. Hindi dahil nasusuyam tayo sa mukha ni Gloria, kundi ayaw nating hayaang mabastos at malabag ang ating mga kalayaan at demokrasya.
Labanan natin ang batas militar. Hindi dahil kasuka-suka si Gloria kundi hindi natin kailangan ang isa na namang bangungot na babarubal sa kinabukasan natin pati ng ating mga anak.
Labanan natin ang batas militar. Hindi dahil sa hindi tayo ang nakaupo at makikinabang kundi responsibilidad nating lahat na manatiling demokratiko at malaya ang ating bansa.
Kay Gloria at sa mga nagnanais ng isang diktadurya---alis na kayo dyan at tiyak mabibigo kayo. Malalasap ninyo ang isang mapait na kapalarang tulad ng kapalarang sinapit ni dating pangulong Marcos.
May panahon pa bago tuluyang kubkubin ng Sandatahang Pambansa ang inyong kuta.
Sa pagtindig ng YOU, hinahawakan namin ang aming kinabukasan.
Mabuhay ang Sambayanang Pilipino!
hahayyyy sino pba ang dapat pagkatiwalaan?
ReplyDelete