Saturday, December 5, 2009

Liwanag ay ingatan

Alagaan mo at huwag pabayaan
ang ningas ng kandila sa iyong kamalayan
sabihin mo sa hangin--tigil!
at sa kandila'y--teka muna
huwag ninyong papatayin ang liwanag
na aking tangan.

sa pagpunta mo sa kanayunan
sa pag daan mo sa mga kalunsuran
nawa nama'y iyong paka-ingatan
ang tangan mong kaliwanangan.

huwag ariing katotohanan
ang nasusulyapan mong karangyaan
makapanlinlang iyan kaibigan
hindi ganyan ang lipunan.

sa mga panahong ikaw ay napanghihinaan
sa mga panahong tila kay bagal ng katarungan
palakasin mo ang iyong kamalayan
higpitan mo pa ang iyong pananampalataya
darating din ang tagumpay
makakamtan din ang ipinagsikhay!

tagumpay, ang, masa,
sa, maliit, na, sisidlan,
ng mailap, na, pag-asa,
kudlit, lang, tayo,
sa, malawak, na,
uniberso, ng, katotohanan.

dire,diretso,tawid sa bagang progreso
walang ibang daan kundi rito
sa mga nananaginip ng
pagbabago.

kutitap ng mga anghel sa dilim ng gabi
tila nakapagpapa-aya sa sarili
sa martsa ng mga Bagong Katipunero
tumitining ang taghoy ng mga Bagong Tao!

halina't kitilin ang mga malulupit na ala-ala
i-abot mo ang iyong mga kamay, at halina
sa dakong kinaroroonan ng mga banal
tayo ay mag-astang hangal
at masusumpungan natin
ang pagiging sakdal.

No comments:

Post a Comment

Thank you very much for reading my blog. You inspired me. But if you intend to put your name "anonymous", better not comment at all. Thanks!