Lumiliwanag na ang tunay na hangarin ni Ginang Arroyo sa kanyang pagtakbo bilang Kongresista ng Pampanga---alisan ng anumang dignidad ang Tanggapan ng Pangulo upang hindi ito magamit ng kanyang mga kalaban laban sa kanya sa sandaling umalis na siya sa puwesto.
Maliwanag din sa lahat ang scenario ng "no-proclamation", kung saan tanging mga kinatawan lamang sa mga distrito ang papaupuin at pipigilan ang pag-upo ng bagong Pangulo, bise at mga senador. Para kay Arroyo, nakataya ang kanyang sariling kaligtasan sa planong ito.
May basehan ba ang ganitong scenario? Oo. Tanungin ninyo ang Comelec.
Sa isang automated election, mauunang lumabas ang resulta ng mga nanalong kandidato sa mga lokal na puwesto, at kabilang dito ang resulta sa mga tumakbo bilang kinatawan. May kaunting katagalan ang paglabas ng resulta para sa mga pambansang posisyon dahilan sa kinakailangan pa itong sertipikahan ng samu't-saring political parties sampu ng kanilang mga kinatawang abogado.
Sa isang scenariong halos walo ang kakandidato, magiging magulo ito sapagkat isa o dalawa kaya sa mga kumandidato ang mag kwestyon sa resulta ng isang automated na halalan, malalagay na sa tiyak na panganib at alanganin ang buong proseso ng halalan.
At hindi pa man sa pampanguluhan, daan daan din ang nagsampa ng kanilang kandidatura bilang senador. Isa man o higit pa ang magkwestyon sa resulta, tiyak na kaguluhan ang magiging resulta.
Liban pa rito ang posibilidad ng paglala ng peace and order sa mga lugar tulad ng Mindanao, CAR, Nueva Ecija, Isabela at mga tradisyunal na hot spost. Dahilan sa kulang o di sapat ang panahon sa pagtuturo ng tamang paggamit ng optical counting readers o mga makina sa pagtanggap ng balota, maaaring mabalam ng husto ang resulta para sa pambansang posisyon.
Sa sandaling hindi pa makapagdeklara ng nanalong pangulo at lumampas ito sa itinakdang panahon sa pagbubukas ng Kongreso, maaaring ito ang siyang maging pinakamabilis na kaparaanan upang itayo at i-deklara ang Speaker bilang siyang transitional president.
Sang-ayon sa Konstitusyon, ang nararapat tumayo bilang halili o transition ay ang Chief Justice. Ito ay kung hindi punan ang posisyon ng Speaker. Alalahaning sa Mayo 2010 retirado na ang Chief Justice sa katauhan ni Reynato Puno. Sa gayong estado, mayroong kapangyarihan si Ginang Arroyo na magtalaga ng isang ala-Hilarion Davide na tatayo lamang bilang rubber stamp ng Arroyo mafia. Hindi ito malayong mangyari sapagkat sa panahong iyon, kinikilala pa rin si Mrs. Arroyo bilang Pangulo.
Neto---kahit saan mong anggulo tignan, magiging magulo ang eleksyon sa Mayo, palatandaan na kung nais ng taumbayan ang isang mahinusay na transition of power, kailangang kailangang palitan ang kasalukuyang Pangulo ng bansa at tiyaking ang susunod na halalan ay magiging patas at may katahimikan.
No comments:
Post a Comment
Thank you very much for reading my blog. You inspired me. But if you intend to put your name "anonymous", better not comment at all. Thanks!