Ako'y lubusang napaluha nang ihayag ng ilang mga Youth Groups na sila'y naglunsad ng Tulong Kabataan upang magbigay agapay sa ating mga kababayang nasalanta ng bagyong Juan.
Pinangungunahan ng NUSP or National Union of Students of the Philippines, kabilang sa Tulong Kabataan ang League of Filipino Students, Kabataan Partylist, Anakbayan, College Editor's Guild of the Philippines at ilan pang mga grupong pangkabataan.
Halos mapahiya ang iba pang mga grupo sapagkat nangunguna na ang Kabataang Pinoy sa kilusing ito.
Noong dalawang araw bago pa man sumalanta ang bagyong Juan sa Isabela, nanawagan na ako sa mga grupo na ilunsad na ang Damayang Bayan upang handa ang Sambayanang Pinoy na magbigay agapay sa mga biktima ng ganitong bagyo.
Damayang Bayan--isang konseptong Pinoy na noon pa ma'y naririyan na sa ating kamalayan. Pinalaganap ng Katipunan sa pamamagitan ng Supremo.
Sa mga Bagong Katipunero, nawa'y makiisa kayo sa Damayang Bayan. Tulungan natin ang ating mga Kabayani na nasalanta ng bagyo sa Isabela gayundin sa ilan pang mga lalawigan sa Hilaga.
No comments:
Post a Comment
Thank you very much for reading my blog. You inspired me. But if you intend to put your name "anonymous", better not comment at all. Thanks!